Mianna's POV
Nagising ako sa panggigising ni tiger.
Inaantok pa talaga ako! Bwiset kasi!
"Bumangon ka na dyan."sambit ni Tiger.
"5 minutes."sambit ko sabay tabig sa kamay nyang nakadikit sa balikat ko.
Pake ko sa 'yo?
Ni hindi ko nga magawang imulat ang mata ko.
"Anong 5 minutes ka dyan, bumangon ka na!"sambit nito.
"Saglit lang!"
"Okay, kapag hindi ka pa bumangon dyan, ipagsisigawan ko sa buong eskwelahan na tayo na."pang-aasar nito.
Ginu good time na naman yata ako ng tigreng to, nakakainis!
Fine! Babangon na ako kahit labag na labag sa loob ko!
Bumangon na ako bago kusutin ng kaliwa kong kamay ang kaliwa kong mata.
Medyo malabo pa ang paligid ngunit naliwanagan ang lahat nang makita ko ang napakaflawless na mukha ni Tiger.
Kaso nakabusangot! Wala den!
Napatitig ako sa kanya nang mga ilang segundo bago ako pumuntang lamesa. Ang cute nya talaga...
May tama ka na Mianna!
Umupo ako sa upuan at umubob...
Mabilis akong nagising dahil nakadinig ako ng isang nakakabinging ingay.
Ingat na nanggagaling sa tabi ko. Sandok at kaldero.
Pinukpok nya ito na parang yung ginagawa ni Timothy. Pero hindi pa din ako gumising.
Nang...
*PLOK*
ARAY NAMAN! WALANG PUKPUKAN NG SANDOK SA ULO!
Oo na gigising na! Bad trip eh!
Napahawak naman ako dun sa part ng ulo kong tinamaan ng sandok.
Kumain na ako at mabilis na naligo.
Pumunta na ako sa kwarto at nagbihis.
Suot suot ang napakaganda kong uniform. Pretty...
"I'm a pretty girl, in a pretty world. Life is fantasic,it's fantastic! You can brush my hair, undress me everywhere, imagination, Life is your creation."
Hindi ko masyadong nilalakasan ang pagkanta ko dahil baka marinig ni Tiger. Ang pangit ko kayang kumanta!
Parang manok na sinasakal!
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad ako ng kwarto.
"Good morning miss beautiful."
Naman!
Ayokong ngumiti pero napangiti nya ako ng kaunti. Agad kong tinanggal ang ngiti sa labi ko baka kung ano na naman ang pumasok sa utak nitong lalaking 'to.
Sabay na kaming lumabas ng dorm.
Napanguso ako nang mapatingin ako kay Tiger na nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
غموض / إثارةMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.
