SCARLET
Nandito ako ngayon sa event venue at sinasaksihan ang mga estudyanteng mahihina. Hanggang kailan pa ba sila magiging gan'yan?
Stupid bitches...
Matagal na ako sa BU, kaya alam ko na kung paano makipaglaro kay kamatayan.
"Nakakaawa naman," saad ni Mariella na nasa tabi ko na pala.
"They deserved that."
"What do you mean? How come?"
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Know by yourself," saad ko bago tuluyan siyang iniwan na hanggang ngayon yata ay iniisip pa rin yung sinabi ko.
"Anong sinabi mo kay Mariella?" tanong ni Patricia na bilaang lumitaw sa harapan ko. Muntikan ko pang mabangga.
"Privacy, please?" walang ganang tugon ko at lalampasan sana siya pero bago pa man ako makaalis ay hinigit niya ang braso ko papalapit muli sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay kaya mas tinaasan ko yung sa akin.
Aambahan na nya ako ng sampal pero pinigil ito ng isa nyang kasamahan sa kanilang grupo.
"Wag mo akong pigilan Clarize!" Sigaw ni Patricia.
"Wag muna ngayon, darating din tayo diyan. Mamaya ka na mag-akasaya ng oras diyan sa babaeng 'yan. Pinapatawag tayo ni Lady Ivy, ngayon na raw," saad no'ng babaeng nagngangalang Clarize.
Di na ako nakapagpigil pa kaya agad kong pinaputukan ng baril sa paa si Patricia at sinipa naman si Clarize sa tiyan.
MIANNA
Nagising ako sa maingay na tunog ng kalderong pinapalo ng kung sino. Bitch who tf again?
Umunat muna ako bago tuluyang nilisan ang kwarto. Naabutan ko ang tatlong gising na pala.
"May class ka today?" walang emosyong tanong ni Freed.
Tumango ako. Akala ba nito, tamad akong pumasok? No way!
Umupo na ako sa isang upuan at nagsimula nang kumain. Hindi na rin nakakapanibago.
Hindi rin nagtagal nang may kumatok sa pintuan. Tumayo naman ako para sagutin ang pinto.
Nang mabuksan ko ang pintuan, tumambad agad sa akin ang magkapatid na sina Lucy at Honey. May dala silang bagahe katulad nung unang dumating dito—yung magkapatid. Dito din kaya sila—
"Hi, Mianna."
Pinapasok ko na sila sa dorm. At nagsimula silang interviewhin—charot! Nag-usap lang kami. Pinaliwanag nila sa akin kung bakit sila makikituloy rito. At katulad din ng dahilan nila Timothy ang dahilan niya. Ang kaibahan lang, ilang araw lang sila rito.
*----*
Pumasok na kami sa kanya kanya naming klase. Kapansin-pansin na parang kaunti na lang kami. Dahil kaya 'yon sa event?
Una, syempre ako, si Tiger energy drink, si Lion roar, 'yong maldita, si planeta—Jupiter, at si Jericho. Anim! Anim na lang kaming magkakaklase!
My ghad!
"Ano tatayo ka na lang d'yan?" sambit ni Ivy na naka-dekwatro pa sa kinauupuan niya.
Tinaasan ko pa sya ng kilay bago umupo sa ibang upuan. Ayoko na do'n sa upuan ko. Ayaw kong paggitnaan ako no'ng dalawang kumag. Saka, ang dami namang vacant seat!
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Misteri / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.
