Chapter 4: Steven

6.7K 208 2
                                    

MIANNA

"Sorry talaga, Timothy. May naalala lang talaga akong masama eh, sorry so much." malambing na saad ko.

"Okay lang. Hindi na rin naman bago sa'kin." tipid na sagot niya.

Wala kaming alcohol at bulak. Kulang din yung bandage kaya pupunta muna ako siguro sa clinic.

Lumakad ako papalapit sa pinto. Bago ko pa mahawakan yung door knob ay narinig kong nagsalita si Aizel.

"Saan ka pupunta?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Sa clinic." sagot ko.

"Pero hindi pa ligtas ngayon baka mapano ka."

"I'll be fine." sabi ko sa kanya bago ko tuluyang isara yung pinto.

Sinabi ko kay Aizel na I'll be fine. Pero hindi ko talaga alam kung okay ba talaga ako. Ayy—bakit pala ako lumabas!?

Sa totoo lang, ayaw ko talagang pumuntang clinic kasi nga killing time pa—ewan ko ba. May demonyo sa utak kong nagsasabing pumunta raw ako. Saka ako yung may kasalanan kung bakit may sugat si Timothy ngayon. Nakakahiya naman kasi.

Nanginginig ang buong katawan ko at nanlalambot ang tuhod ko na para bang babagsak na lang ako kahit anong oras.

Ang lamig kase!

Naglalakad pa lang ako sa mainway nang makita ko ang dalawang babaeng nakahiga sa sahig. Iww yuck kaderder, difficult.

Muntikan na akong mapatili pero buti na lang at natakpan ko agad ang bibig ko.

Marami itong saksak sa katawan at mukhang patay na sila. Nagkalat ang mga dugo nila sa sahig kaya feeling ko bumabaligtad na yung sikmura ko. Binilisan ko ang lakad ko upang mapadali.

Biglang pumasok sa isipan ko na hindi ko pala alam kung saan ang clinic. Dinukot ko ang mapa sa aking bulsa at sa awa ng diyos...I found it!

Binuka ko ito at tinignang mabuti. Itinuturo ng daliri ko ang bawat parte ng university at nakita ko ang clinic sa mapa sa 'di kalayuan pamula dito sa main hall na kinatatayuan ko.

Pumunta ako sa bandang kaliwa at 'di pa nagtagal nang makarinig ako ng nag-uusap 'di kalayuan pamula sa akin.

Ang lakas ng kanilang boses, eh.

"Kailan ba raw magbubuwag ang lugar na 'to? Tumawag sa'kin si boss nang makalabas ako. Maghanda na raw."

Ano raw?

"Malapit na. Hintayin na lang nating muling dumanak ang dugo. Hahaha!"

Naramdamang kong hindi na ako makaalis sa kinatatayuan ko na para bang nakapako na ang mga paa ko sa sahig sa sinabi ng isa sa kanila.

Para bang narinig nila yung tanong ko kaya inulit pa nila.

"Hintayin lang natin 'yong mangyari saka natin gawin ang napag-usapang plano."

Tumawa sila nang malakas at sa wakas, natauhan din ako at dali-daling umalis doon bago tahakin ang kabilang daan.

Anong malapit na? Anong plano? Anong itinakdang mangyari? Ano ang mangyayari? May mga bagay na hindi pa talaga ako nalalaman dito. May mas nakakatakot pa ba sa killing time? Ano na ang gagawin ko? Natatakot ako sa kung anong manyayari. Gusto ko nang bumalik sa bahay! Kay Tyler! Ayoko na rito!

Mas naging mas nakakatakot pa ang lahat nang biglang lumakas ang ihip ng hangin. Natatanaw ko na rito ang clinic. Kailangan ko nang magmadali.

Nang makarating akong clinic, napansin ko na hindi maayos ang pagkakasara ng pinto, bahagya itong nakabukas.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon