Chapter 27: Kiss, Marry And Kill

3.6K 131 15
                                        


JUPITER

Kanina pa ako gising dahil maaga akong natulog kagabi. Pagod na rin kasi ang mga paa kong maghabol sa maling tao.

Kapansin pansin din kahapon yung babaeng namatay sa cafeteria at yung lalaking may saksak sa likod sa field. Mapapansin din sa insidente ang sticky note na nasa noo nila. What are they up to anyways?

Posible kayang iisa lang ang may gawa no'n? What's the point of the sticky notes?

Mas naging delikado pa ang lahat ng mga nangyayari. Na dati ay sa killing time lang legal ang pagpatay. At ngayon naman ay kahit sa umaga, may killer pa rin. There's really something wrong going on here.

Minabuti na ng aking ka-roommate na 'wag pumasok dahil nabalitaan niya rin ang mga nangyaring pagpatay kahapon.

Naligo na ako at nagbihis para pumasok. I still wonder how my roommate is still getting high grades when he barely goes to school.


LUCAS

Matagal ko nang napapansin na parang walang pakialam si Madame sa mga nangyayari. Tatlo na ang namatay nang dahil sa taong 'yon. Humanda talaga siya sa akin dahil ako mismo ang papatay sa kanya 'pag nakita ko siya.

"Wala ba talaga kayong gagawin dyan sa taong yan!?" sambit ko dahil hindi ko na talaga matiis na 'tong si Nigel at si Madame Elizabeth na wala talagang pakialam sa nangyayari.

"Wag mong sigawan nang ganyan ang dean vice president. Magbigay galang ka sa kanya," mahina pero may diing sambit ni Nigel bago ayusin muli yung salamin niya na parati niyang ginagawa.

"Ano ba ang pakialam natin sa mga walang kwentang estudyanteng 'yan? Ang kailangan ko ay maipaghiganti ang anak ko kaya buti pa vice president Santiago, hayaan mo na lang silang magpatayan. Kung magpatayan sila, labas na tayo diyan," taas kilay na saad ni Madame Elizabeth habang pina-iikot ang swivel chair kung saan siya nakaupo na nakakahilong panoorin.

Hinampas ko nang marahas ang lamesa ko sa sobrang ini at tumayo. Lumabas na ako ng office at pumunta sa widespace upang magpahangin at mag-imbestiga. Para makapag isip-isip na rin.


MIANNA

Pumasok na kaming apat sa classroom at umupo na sa kanya-kanya naming upuan. Nandoon na sa upuan namin si Jupiter pero wala pa si Steven. Bakit ko ba siya hinahanap in the first place?

Inilapag ko ang backpack ko saka umupo. Actually, mas feel ko talagang hindi na magdala ng bag for safety and stealth purposes. Pero ayaw ko naman syempreng walang matutunan!

"Nabalitaan mo na?" tanong ni Jupiter na nasa tabi ko na pala.

Tumango ako bago ibaling sa kanya ang aking atensyon.

Nag-usap kami tungkol sa mga nangyayaring patayan nitong mga nakaraang araw. Hindi nga ako aware na ganito pala ka-chismimosa si Jupiter.


HARVEY

"Sh*t! Late na ako!" pagmumura ko sa kama dahil nga ten minutes na lang ay time na. Malalate na ako sa first subject ko!

Mabilis pa sa kuneho akong naligo at hindi na nga nag breakfast hindi lang ma-late. Mabilis na akong tumakbo papuntang room nang matapos magbihis. May nabangga pa akong nerd sa daan pero hindi ko na 'yon binigyan pa ng atensyon. Hindi kasi natingin sa daan si gago!

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon