Mianna's POV
Ano? Si spark? Tama ba ang pagkakarinig ko? Sya ba?
Unti-unting nag flashback sa akin ang lahat.
Sya ba yung dahilan kung bakit nahihilo ako palagi? Pamula nung kinain ko yung pesteng kendi na yo'n. Nagkanda-loko loko na.
Buset ka! Pag ako nakatakas dito! Sasapakin talaga kita!
Ngumisi ang killer bago dumistansya ng kaunti pamula sa aming kina-uupuan.
"Magaling Mr.Wolf. Napahanga mo ako sa katalinuhan mo? Paano mo naman nalaman na ako nga si Mr.Spark Neon Silver?"sambit ng killer bago alisin ang maskarang nakasuot sa kanya...
Nakakatakot...
Nakakatakot ang itsura nya...
Ang maamo nyang mukha ay napalitan ng isang mala halimaw na mukha. Isang halimaw na sabik na sabik pumatay ng tao.
Sya nga! Si Spark nga! Pero bakit?bakit nya ginawa sa amin to!
Sino ka ba talaga!?
"Paano ko nalaman?*chuckles*"bigla namang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Spark.
"Dahil sa yellow folder..."mahina at nanghihina pa lalong tanong ni Tiger.
Ano daw ang sabi nya? Yellow folder?
Diba yun yung hawak ni Madame Elizabeth? Nung makasalubong ko sya malapit sa cafeteria.
Unti-unti ulit nag flashback sa akin ang lahat.
Nalilito na ako! Ang sakit sakit na ng ulo ko!
Yellow folder? May koneksyon ba 'yong yellow folder na hawak ni Madame Alizabeth kay Spark? Sa killer?
Ano bang misteryo ang tinatago ng yellow folder na iyon? Ano?
"Alam mo naman siguro kung ano laman ng yellow folder na iyon diba? Mr.Spark Neon Silver?"tumuon naman ang atensyon ko kay Tiger nang magsalita sya.
Nag-iba muli ang ekspresyon sa muka ni Spark at mas lalong naging mas nakakatakot...
Ano ba kasi ang nangyayari? Bakit parang wala akong maintindihan!
"Or i should say Mr.Nico Ferrer...."sambit ni Tiger na ikinaguat ko.
Someone's POV
Mamatay man o hindi si Nico, planado pa rin ang lahat. Siguro mga 20 years pa ang itatagal bago ko ma-i renovate 'tong lugar. Kung mapapa-sa'kin man. Hahaha!
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng apple sa ref.
My favorite...
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Mystery / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.
