Mianna's POVNagising ako ng madaling araw. At naalalang wala nga pala ako sa dorm ko este namin.
Humikab ako bago ako tumayo.
Punit na naman!
"Good morning magandang season! God morning new dorm! Good—aaah!"napasigaw ako nang parang dumulas ang sapin ng kama.
Malalaglag yata ako.
Ngayon ko lang napansin na hinigit pala ni Tiger yung sapin.
"Aaah!"sigaw ko ulit nang mahulog ako sa kama.
Lumaglag ako nang nakadikit ang dalawang kamay ko sa sahig...
Salamat at hindi ako nasaktan.
Iminulat ko ang mata ko at nakita ang mukha ni Tiger na nasa harapan ko.
Hindi nga ako nahulog sa kama, nahulog naman ako sa kanya.
Magkaharap ang mukha naming dalawa na kaunti nalang at magkakahalikan na kami.
Ano ba tong nararamdaman ko?
Bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat paglipas ng segundo.
"Good morning..."sambit nito bago ngumisi.
Napaiwas tingin nalang ako at hindi ko magawang ngumiti. Ang hirap ngumiti dahil baka kung ano pang isipin ng lalaking to.
"Tumawag nga pala ako sa langit."
Dapat sa impyerno! Mag-usap kayo ni Satanas!
"Tapos inabi kong may anghel sa harap ko."
Mas bumilis ang tibok ng puso ko nung sinabi nya yon.
Kung pwede ko lang sanang sabihin din sa kanya na good morning, nagawa ko na kanina pa.
Kinikilig ako! Grabeh!
"Baka gusto mong itayo pa kita dyan."sambit nito.
Ah oo nga pala...
Tumayo na ako at tumalikod. Hindi ko napigilang mapangiti sa sobrang kilig.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa banyo at binuksan ang shower.
Sosyal! May pa shower shower pa!
Halos mapasigaw ako sa lamig ng tubig na dumaloy na sa buong katawan ko.
Ang lamig!
"Kailangan mo ba ng kasabay?"sigaw ni Tiger sa labas.
"Sabayin mo ang mukha mo!"pagmamaldita ko.
Lumakad pa ako patalikod at sa sobrang tanga ko, naapakan ko yung sabon!
Napatili pa ako bago tuluyang bumagsak sa sahig.
Araaaay! Feeling ko na nabalian na ako ng buto sa balakang! Aray!
"Sh*t! Mianna anong nangyari!buksan mo tong pinto!"sigaw ni Tiger sa labas.
![](https://img.wattpad.com/cover/126431207-288-k270857.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Mystery / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.