Chapter 10: Meet Scarlet

5.1K 153 4
                                        


MIANNA

Pagod na ako!

Ang hirap hirap maglakad tapos ito pa, hindi namin alam kung saan pupunta! Naiiyak ako tuwing nasakit yung tuhod ko.

"Saan ba tayo pupunta?" pambabasag ni Aizel sa katahimikan.

"Don't fucking ask me." sagot ni Freed.

"Ha?! Hindi natin alam?"

"Malamang kaya nga na kidnap eh." singit ko sa kanila.

"Ah, Mianna, may tanong ako." tanong naman ni Aizel bago itapon yung lata ng soda na kanina pa niya iniinom.

"Oh? Ano yun?"

"Curious lang kasi ako eh. Tatawagin pa bang na kidnap ang isang tao kahit matanda na?"

"What do you mean?"

"Eh kasi 'di ba kidnap? From the word kid—"

"Hindi naman kasi porque kidnap ay kid agad. Oo may kid siya pero sa nakasanayan na kidnapping talaga ang tawag diyan. Hihihi, nag fe-feeling matalino na naman ako!"

"Can you both shut the fucking up!? Ang dadaldal n'yo bilisan n'yo kasing maglakad!" inis na sabi ni Freed. Lalong bumilis ang kanyang hakbang.

Arte mo! Madapa ka sana!

Habang naghahanap kung saan saan, napansin namin ang isa na namang grupong naka blazer. Nakakabaligtad lang ng sikmura na panoorin silang hatiin sa gitna yung tatlong estudyante gamit ang isang chainsaw.

The heck did I just watch!?

"Sh*t!" narinig kong swearing ni Freed.

Hinawakan ko ulit ang kamay ni Aizel para naman hindi siya mahuli just incase may habulan na namang mangyari.

Naglalakad lang kami ngayon nang dahan-dahan na akala mo'y para kaming magnanakaw.

Nang sandaling mahagip kami ng tingin ng isa sa kanila ay dali-dali kaming tumakbo at 'di na naman alam kung saan pupunta. Randam namin na sinusundan nila kami.

Hingal na hingal na ako beh!

Kahit hindi pa kami masyadong natatagalan sa pagtakbo ay hinihingal na agad ako. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko pero hindi ko 'yon ininda. Pumikit ako nang mahigpit at umiling iling para makakita ng malinaw. Sa ngayon, nakakakita pa naman ako kahit medyo malabo.

Teka...

Wait...

Owemji!

"MIANNA!"

"Sh*t!"

Sa katangahan ko, nadapa pa ako.

Agad nila akong binalikan at itinayo. Inalalayan nila ako para makapaglakad pa.

Syempre ako naman 'tong uugod-ugod ngayon dahil masakit!

"Kaya ko pa." sambit ko.

Nakita ko namang napatingin sa'kin yung dalawa.

"Totoo, ayos lang talaga ako. Keri ko pa." sabay ngiti. Peace sign. Kagat dila.

"Ayun sila!" dinig naming sigaw nung nasa likuran namin.

Nasundan na nila kami! EMEGED!

Takbo takbo!

Lumiko kami sa bandang kaliwa at nagkanya-kanya kaming tago. Nagtago kaming dalawa ni Aizel sa likod ng garbage bin. Samantalang si Freed naman ay nakatago sa isang poste na katapat lang namin.

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon