MIANNA
Kakagaling ko lang ng mainway at papunta na ako ngayon sa cafeteria. Naiihi kasi ako. Eh mas gusto ko mag wee wee sa cafeteria dahil mabango banyo do'n. Hehe. Gawain ko rin 'yon sa Jollibee dati or McDo.
Ang tagal naman ni Aizel. Di pa ba sila labas?
Habang naglalakad ako ay napansin ko si Madame Elizabeth na mukhang balisang balisa. Pawis na pawis sya na akala mo'y sumali sa isang race.
Horse race?! Kimi.
Nilagpasan niya lang ako at hinayaan ko lang siyang mawala sa paningin ko. Eh ano ba naman kasing gagawin ko? Harangan siya?
Anong nangyayari sa kanya? May humahabol ba ro'n? O may hinahabol siya?
Kapansin pansin din sa kanya ang dala dala niyang yellow folder.
Anong meron don?
Dahil sa kaiisip ko ay napansin ko na lang na nandito na pala ako sa cafeteria. Eh anririnig ko na agad na may mga nagchi-chikahang bitch kung saan.
Papasok pa lang ako ng cafeteria ay biglang may bumangga sa aking isang lalaking naka-black hoodie jacket.
Kakaiba ang suot nya dahil nga sa jacket niya. May tatak ito ni Kuromi sa likod.
"Sorry," malamig na sambit nito.
Kinilabutan ang buong katawan ko dahil sa malamig na boses niya. Naalala ko rin 'yong lalaking nakita ko nung gabing first day ko dito sa BU.
Yung lalaking 'yon. Siya 'yon!
Sigurado ako! Siya nga 'yon!
Dahil sa kakaisip ko ay napansin kong wala na siya sa harap ko, maging sa likod at paligid ko. Para tuloy akong tanga rito na umiikot. Turumpo yern?
May iba talaga akong naramdaman sa kaniya. Mas lalo ko tuloy naramdamang puputok na ang pantog ko.
Something creepy...
Pumasok na ako sa cafeteria mabilis na nagbanyo. Pagkatapos, umupo ako sa usual seat. Nakasalubong ko si Nicole sa banyo kanina na nakikipag-laplapan do'n sa isang guy. Hindi ko alam anong name!
Hindi na ako umorder o pumila dahil hihintayin ko na lang yung tatlo bago kumain. Lalo na si Aizel, sumpungin kasi. Baka pagbagsakan na naman 'yon ng langit at lupa.
Maya maya pa ay biglang may pumasok sa cafeteria na nakakuha ng atensyon ko.
Si Ivy...
Pumunta siya sa pilahan at sumiksik sa mga estudyanteng naroon. Nakikipag away pa siya dun sa iba. Pinagsasampal naman niya yung iba para lang makasingit.
"Pretty first!" narinig kong sigaw niya.
"Maasim first kamo," bulong k. Napangisi ako dahil hindi pa rin pala siya nagbabago.
Maldita pa rin ang gagita!
May pumasok din sa cafeteria na nakakuha ng atensyon ko.
Si vice president Lucas...
Umupo siya sa malapit sa akin at umorder.
Snobber si manong!
Dumating rin ang mga miyembro nung grupo ng mga kababaihan na umupo sa malayo mula sa kung saan ako nakaupo.
'Yan tama, hanggang dyan na lang muna kayo. Ayaw ko pang makipagbardagulan ngayon!
Dumating din ang mga miyembro ng Geminis at mukhang dadaan sila rito. Napansin ko rin na wala si Tim na baka kasama ni Aizel. Ang daming nangyayari!
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Mystery / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.
