TIMOTHY
Maaga akong nagising dahil late na ako natulog kagabi. Ang Ironic pero kabaligtaran talaga ang nangyayari sa body clock ko. Kapag late ako natutulog, maaga pa ako sa manok kung magising. Legit.
Sabado na pala. Last day na ng event ngunit hindi ko pa rin nakukuha kay Steven ang kanyang badge. On the brighter side, nakakuha na ako ng eleven points sa marathon kaya kahit hindi ko na makuha ang badge. I've been carefully sneaking into dorms to steal some of their badges lying around. My kleptomaniac behavior kicked hard.
Kasabay nito ang pamumulot ko ng mga badges during killing time. I still have the strength to do that so everything turned out fine!
Naalala ko rin na dito na nga pala kami ni Freed naka-stay sa dorm nila Mianna. Nakakahiya naman na maging couch potato kaya pumunta ako sa kusina at nagluto ng makakain. Hindi kasi masarap ang luto sa cafeteria. Since na may pinag aralan ako sa culinary, magluluto na lang ako.
Binuksan ko yung shelves, cabinet at...
Gotcha!
I'm contemplating what to cook since hindi ko alam ano ang papasok sa taste buds nila. Tanongin ko na lang kaya sila?
Lumakad ako papalapit sa kanilang kwarto at binuksan ang pinto. Sa kasamaang palad, nahikab pa!
Napapailing akong bumalik sa kusina at madaling nag chop ng sibuyas at bawang. I started off with the flavor base butter, onion and garlic on a pan. Then nag-add lang ako ng rice, toasted for a few minutes.
Sana pala nagdala ako ng wine kaso hindi ko alam kung may stock pa sa cafeteria. So nag-decide na lang akong ilagay ang broth and then parmesan and then boom! Rissoto!
SOMEONE'S POV
Nagising ako nang maagang-maaga. Tama na para sa mga gwapong katulad ko. Ay oo nga pala, ako nga pala ang gwapong walang katulad. Umupo na ako sa kama at humikab.
Humihikab din pala ang mga gwapo...
Tumayo na ako napansin ang isang bag na puno ng badge. Thirty points. Ang dami ko nang nakukuhang badge. Partida, hindi pa nakukuha ang sa akin.
LYON
Aaaaah~
Sarap humikab!
Pagkatapos kong ubusin ang cappucino sa lamesa at dumiretso ako ng banyo. Naligo at isinuot ang paborito kong uniform. Ang ayaw ko sa lahat nadudumihan ang uniporme ko. Lalo na itong paborito kong uniform.
Humarap ako sa salamin at...
Okay na!
JUPITER
Nagising na ako sa pretty bed ko na may kurtina pa sa tabi. Ang pretty naman ng bed ko, kasing pretty ko. Ivy for sure can't relate!
Tumayo ako at kinamot ko muna ang tuhod ko bago pumunta sa sofa at natulog ulit.
Nakakaantok pa kasi!
IVY
Nagising na ako at isinuot ang pretty pink cotton slippers ko para hindi malamig sa paa maglakad. Gurl like, I don't want my foot to be dirty only because what if my baby Tiger has a foot fetish? Oh, em, GEE!
Ang ganda ko talaga. Na kahit sinong ipaharap ninyo sa'kin ay malalalag ang panga! Isama mo pa ang make up ko na ayokong alisin sa mukha ko.
I have a beautiful face, pretty body, and a gorgeous heart—na wala na kay Zyrine! HAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Mystère / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.