Chapter 48: Mysteries

2.7K 92 1
                                        

Mianna's POV

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa tagal nilang bumalik. Kanina pa eh!

Layas kasi!

"Coffee?"alok ni Freed na may hawak ng dalawang tasang kape na inilapag sa maliit na lamesa na nasa harapan ko.

Akala ko, di ka nag kakape?

Agad ko naman itong tinanggap at humigop ng kaunti para medyo kumalma.

Ang dila ko! NAPASO!

"Ang tagal naman nila..."wika ni Freed.

Obvious ba?

Aizel's POV

Nasa mainway na kami ni Ice nang maka-salubong namin si Timothy na naka kunot pa ang noo na lumapit sa amin.

"Saan kayo galing? Bakit ang tagal nyo?"tanong ni Timothy.

Friends na yata sila ni Timmy kaya okay na. Wala nang gyera na magaganap.

"O sige Aizel, Timothy. Una na ako ha?"sambit ni Ice bago tumakbo papalayo sa amin.

Teka lang! Yung sugat mo!

"Tara na?"aya ni Timothy.

Tumango naman ako at sabay na kaming tumakbo with matching holding hands while running.

Kaso.... pano si Ice?

Mianna's POV

Maya maya pa nang bumukas ang pinto at iniluwal nito sina Timothy at Aizel.

"Nandyan na pala kayo."sambit ko bago tumayo.

Ayy wala Mianna! Projection lang sila!

"Ayus ka lang?"tanong ko kay Aizel bago sya alalayang umupo sa sofa.

"Hindi naman ako pilay ah!"sambit ni Aizel.

Dahil alam ko namang ligtas si Aizel, pumunta na lang ako ng kwarto at nagpahinga.

Aizel's POV

"Magluluto ako pwede?"tanong ko kay Timmy na niluluto yung adobo na ulam namin mamaya.

Nandito kami ngayon ni Timothy sa kusina. Si freed naman ay nasa sofa at nilalaro yung bagong phone ni Mianna. Speaking of Mianna, si Mia naman ay mukhang pagod kaya ayun... natutulog na yata sa kwarto.

"Do you want to try?"tanong ni Timothy.

Of course yes!

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon