Chapter 15: Captured

4.3K 117 3
                                    

MIANNA

Pagkabukas pa lamang ng mga mata ko, nakita ko agad si Aizel na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko.

"Ayos ka lang? May masakit pa rin ba sa'yo? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong nito

"Okay lang ako 'wag kang mag-alala." sagot ko.

"Mianna, may tanong ako sayo."

"Hmmm?"

"Kapag ba...nalaman mong hindi ako totoong kaibigan...I mean, nalaman mong hindi pala kaibigan turing ko sa'yo, anong magiging reaksyon mo?"

"Wala." diretsong sagot ko.

"Bakit naman?"

"First of all, alam kong hindi mo magagawa 'yon. Hindi mo kayang traydorin ako kasi boba ka! Hahaha. Plus may tiwala ako sa'yo kasi kung wala, 'di sana matagal na akong patay rito. Saka ano ba 'yang mga tinatanong mo masakit na kiffy ko rito oh."

"Pano ka naman nakakasiguradong hindi kita ta-traydorin?"

"Kung mangayri man, okay lang. Wala na rin naman akong pake. Pero 'wag ka na ulit magtatanong ng ganyan ha? Totorjakin kita diyan eh."

Ngumiti lang sya bago niya ako yakapin. Ilang segundo lang rin 'yon tumagal bago kumawala. I'm a hundred percent sure na hindi para sa friendship namin ang tanong na iyon.

Pumunta siya sa labas at sandali lang ay bumalik din agad.

"Cereal?" tanong ko.

"Kaning lamig lang 'to ano pa ba? Alam ko gutom ka na." sagot niya.

"Pero hindi pa ako gutom" wika ko bago kumalam ang sikmura ko.

*kruuu~*

"Sabi ko nga kakain na po ako." sambit ko bago kunin sa kanya 'yong mangkokat dali-daling nilamon agad ito.

Inabutan pa nya ako ng tubig sa baso pagkatapos kong kumain. Uminom. Muntik pang masamid.

Mabilis nakalipas ang oras. Nakarecover naman ako after medications from Nurse Joy kaya bumalik na kami ni Aizel sa'ming dorm.

Hindi ko rin gusto ang atmosphere sa clinic kaya nag suhestyon ako kay Aizel na sa dorm nalang kami—na dapat naman talaga.

Umupo kami sa sofa. Kinuwento ko lahat ng nangyari kanina. Nakinig lang siya nang tahimik. Naintindihan naman niya siguro ang sinabi ko kasi puro siya tango.

"Teka lang Aizel, feeling ko... naiihi ako." sambit ko bago ako tumayo.

"Sasamahan na kita." suhestiyon niya.

"'Wag na... Kapag nagkatakbuhan, lugi tayo." itinuro ko ang paa niyang medyo namamaga. Napansin ko rin iyon kanina.

"P-pero paano 'yong binti mo—"

"I'll be fine.." pagputol ko bago ko tuluyang isara yung pinto.

Malamig pa rin sa labas. Mag aalas tres na rin siguro. May ilang estudyante akong nakikita. Tumatakbo. Hindi maganda ang pakiramdam ko kaya binilisan ko ang lakad. Sa paghakbang ko papuntang kaliwang pasilyo, nakita ko si Jupiter. Naglalakad.

Tatawagin ko na sana siya kaso nakita ko nalang bigla si Ivy na kasunod lang niya.

Bigla kong naitikom ang bibig sa nakita ko. Bagkus tumalikod na lang ako para hindi mapansin. Huminga ako nang malalim. Ipinikit ang mga mata saglit at muling naglakad papuntang banyo. Masakit ang tiyan ko.

Kumaliwa ako at sumakay na lang sa elevator papuntang CR. Pagdating, bumungad agad sa akin si Nicole, nagreretouch ulit. Eto yung babaeng nakabangga ko nung nakaraan. Kilala ko na siya. Naikwento na rin sa'kin ni Aizel anong meron sa kanya.

Pumasok na agad ako sa isang cubicle. Mga ilang sandali pa ang nakakalipas nang may nagflash sa itaas.

Nakunan na pala ako ng picture ni Nicole tapos—nakagan'to pa ako!

Dali-dali kong fi-nlush 'yon at umalis ng cubicle. Hinabol ko siya para burahin 'yon.

SPG kasi!

Hindi pa kami nakakalayo pamula sa cr nang tumunog muli 'yong kampana. Natuod naman ako sa kinatatayuan.

"Ibigay mo na kasi sakin 'yang phone mo! O i-delete mo! Ngayon ka lang ba nakakita ng kiffy!?" sigaw ko sa kanya habang parehas kaming nakatigil dahil sa pagtunog ng kampana.

May naririnig akong mga yabag ng mga sapatos sa 'di kalayuan. Marami sila kung tutuusin. Wala na akong ibang nagawa pa kundi pumasok na lang ulit sa CR at nagkulong sa loob ng cubicle.

Mabilis na tumitibok ang puso ko ng mga sandaling iyon dahil sa sobrang takot. Hindi dahil sa yabag kundi dahil baka maikalat sa buong school ang aking encantadia!

Nang maramdaman kong lumagpas na ang mga yabag na dumaan sa CR, umalis na rin agad ako sa cubicle. Dahan dahan kong binuksan ang pinto upang ma-check kung may tao sa labas.

Nang mapansin kong wala, lumabas na ako at unti-unting naglakad papuntang dorm namin ni Aizel. Marahan ang bawat paghakabang ko. Patingin tingin din sa paligid. Kinakabaduhan. Dapat maging alerto.

Kinikilabutan ang buong katawan ko. Punong puno ng tensyon ang bawat sandali. Bawat hakbang. Hindi na ako makabalik sa pinanggalingan ko dahil may kalayuan na ako pamula sa CR.

Wala nang atrasan 'to!

Naglalakad pa lang ako nang makita ko si Aizel sa 'di kalayuan. Palingon-lingon at paika-ikang naglalakad na para bang hinahanap niya na ako. Isang lingon pa niya nang mahagip nya ako ng tingin. Mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking wrist patago sa pader.

"Are you okay? Kanina pa kita hinahanap! Alam mo bang killing time na? Tapos nandito ka pa rin sa labas. Kailangan na nating bumalik agad sa dorm sa lalong madaling panahon." saad niya.

Tumango lang ako at kumapit sa braso niya nang mahigpit. Bahagya kaming sumilip sa pader at nakita naming paparating ang grupo ng kababaihan. Tumatakbo sila na parang may hinahabol.

Napansin ko agad na wala pa ang leader nila na si Ivy. Napansin ko rin na nandoon si Nicole na nag-take ng picture ng aking lireo. Tumago ulit kami at hinintay na makalagpas sila sa amin.

"I need to figure out something. Stay here, Aizel" saad ko na akmang susunod sa kanila.

Teka lang! Sasama ako!

Buburahin ko na rin yung Shaina Magdayao challenge kong picture!

Tumakbo na rin si Aizel hanggang sa maabutan niya ako. Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa maramdaman nila na sumusunod kami sa kanila. Tumigil sila at tumalikod. Mabilis naman kaming tumago ni Aizel.

Tumago si Aizel sa isang trash bin. At ako naman ay sa pader. Mukhang alam na nila na sinusundan namin sila at kung nasaan kami. Kahit pa medyo mahina ang boses nila dahil may kalayuan na rin sila sa amin, dinig pa rin namin ang sinasabi nila.

Bakit ba ako tumakbo?

"Lumabas na kayong dalawa diyan kung hindi, alam n'yo na ang mangyayari sa inyo." saad ng isa sa kanila na parang boses ni Nicole ang narinig ko.

Letse ka!

Wala na akong takas dahil sa oras na lumabas ako dito o tumakbo mahuhuli pa rin nila ako. Pero si Aizel, may pagkakataon pa siya para makatakas. May daan pa sa kaliwa niya papuntang main way kaya ligtas pa kung doon siya dadaan.

Ano na ang gagawin ko? Dito na ba kami mahuhuli? O dito na ako mahuhuli?

****

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon