Chapter 5: Poison Ivy

7K 207 2
                                        



MIANNA

Heto kami ngayon ni Aizel na naglalakad sa gitna ng kadiliman at hindi inaalintana na killing time pa. Mabilis lumilipas ang oras.

Wala pang isang linggo pero nami-miss ko na agad si Tyler. Makakauwi pa kaya ako?

Isa pa, kanina pa rin bumabagabag sa isipan ko yung nangyari kanina do'n malapit sa clinic. Anong gagawin ko para sa itinakdang mangyari?

Napakarami ko pa yata talagang dapat malaman. Mapapasabak chismosa powers ko nito.

Nakapunta na kami ni Aizel sa aming dorm ilang minuto lang ang lumipas. Pasado alas dyes na pala. Umupo ako sa couch at kinuha ang phone ko.

Waaaaah! Oo nga ano? May load pa ako!

Dali dali kong binuhay ang phone ko at...

Letter "e" na nga tapos wala paring bar!

Hayzt!

"Wala talagang signal dito. 'Wag ka nang umasa." sambit ni Aizel bago maglagay ng dalawang pang hapunan sa maliit na lamesang nasa harap ko. Instant noodles lang saka dalawang tinapay.

Walang signal? Malamang, Mianna. Edi sana matagal nang demolished ang school na 'to kung malaman ng gobyerno. Boang ampota.

"Kain na." napaangat ang tingin ko kay Aizel na kasalukuyang humihigop ng mainit na sabaw.

"Pagpasensyahan mo na muna, Mianna. Canned goods and Instants lang ang meron kasi tayo ngayon eh. Napasulit lang talaga ang gastos ko nitong mga nakaraang araw. Hindi na kasya sa budget ko." sabi niya sabay subo.

"Ano ka ba? Ayos lang yun. Laki ako sa hirap kaya keri lang yan! Ayy, teka nga pala, paano ka ba nagkakapera dito? May sideline ka ba? Erm like, hindi ba dapat free ang mga pagkain? Ano? Estudyante na, trabahador pa!?" tanong ko pero umiling lang siya.

"Hindi ako suma-side line, hindi rin ako nagtatrabaho. Wala na rin namang libre sa panahong ito."

"Eh pa'no nga?"

Matapos niyang uminom ng tubig sa baso, saka siya muling nagsalita. "By the end of the month, nagbibigay si Madame Elizabeth ng allowance sa mga estudyante rito. Libre lahat maliban sa pagkain. Kaya yung ultimong panty ko ngayon, sa kanya din galing." saka siya bumuntonghininga.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano eh.

"'Di ba ang perang ipinambibili natin sa cafeteria ay sa principal lang din napupunta?" tanong ko ulit saka sumubo.

"No. Sa mga estudyante 'yon na nag wo-work. Hindi kasi nabibigyan ng allowance ni madame yung mga estudyanteng repeater. Bagsak kumbaga. Kaya naman nagtatrabaho sila para sa sarili nila. Pero karamihan, sa labas ng university napupunta. Kumukuha ng trabahador gano'n."

Napa-ahh reaction nalang ako. Saka ulit ipinagpatuloy ang aking pagkain.

Mabilis na lumipas ang oras. Kinabukasan, pumasok na kami ni Aizel sa kanya-kanya naming room. Alas-sais pa lang naman kaya naglalakad lang ako kaysa tumakbo eh maaga pa naman.

Hindi rin nagtagal nang makita ko ang grupo ng mga kababaihan na nakaupo sa isang bench. May mga logo sa badge. Pa'no ko nalaman? S'yempre maganda ako!—charot! Kasi nakita ko dun sa badge nila. Malamang!

"Di ba siya yung transferee?"

"Oh yes, maybe she's a slut too. You knaur, like Cielo. Hahaha! Basta talaga mga freshmen, mga kirindot."

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon