Chapter 41: An Evilous Attack

2.9K 106 14
                                        


Mianna's POV

Nandito na ulit ako sa sofa at pilit inaayos yung sira kong phone.

Tabi kaming matutulog mamaya? Ayieeeeut!

Halos mapamura ako nang gulatin ako ni Tiger sa likuran.

Sinamaan ko sya nang tingin kaya umupo sya sa sabi ko.

May kung anong dinukot sya sa kanyang bulsa at iniabot nito sa akin.

"Ph-phone?"bulong ko sabay tingin sa kanya.

"Take this, hindi man ito kasing bago katulad ng sayo pero, at least may magagamit ka."sambit nito.

Himala! Nasapian na naman sya ng mabuting elemento. Once in a blue moon lang ata!

Magpapamisa ako bukas!

"Sorry pero, hindi ko yan matatanggap."sambit ko bago ilayo yung kamay nya.

Bumuntong hininga ito bago magsalita...

"Kapag hindi mo ito tinaggap, hahalikan na talaga kita."sambit nito na ikinamula ng pisngi ko.

Try mo kaya! Charot!

Kinuha ko na nang may halong pagtataray yung phone na ibinibigay nya.

Tumayo sya at pumuntang kusina para magluto. Na naman.

Laking gulat ko nang makitang may password yung phone nya.

"Romeoandjuliet...."sambit nito.

Password?

Okay...

romeoandjuliet...

DONE!

Incorrect password.

"Ano ba!? Mali naman eh!"sambit ko.

Lumabas sya ng kusina at pumunta sa likod ko. Niyakap nya ako habang tina-type yung password.

"Capital dapat kasi yung R..."bulong nito.

Romeoandjuliet...

Password unlocked.

Bumilog naman ang mata ko nang makita ang wallpaper nya.

Bakit mukha nandito?

Icha-change wallpaper ko na sana nang magsalita sya.

"Subukan mong palitan yang gwapong wallpaper na yan. Aanakan na kita."sambit nito na ikinamula ng pisngi ko.

Aanakan? Buset ka!

Napairap nalang ako nang pilit saka ibinack papuntang home ng phone ko.

Inalisan ko nalang ito ng password para madaling i access.

"Baka magdamag mong titigan yan, mapupuyat ka pa."sambit nito.

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon