Chapter 40: Sorry

2.8K 112 1
                                    


Mianna's POV

"A-anong sinabi mo?"tanong ko.

"Mianna mahal kita. Sorry kung ngayon ko lang sinabi 'to."

Biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi nya.

Mahal nya ako?

Lyon, bakit ngayon pa?

Bakit ngayon pang may ibang laman na ang puso ko.

Kung sinabi mo na agad to sa akin noon pa ay baka sagutin pa kita...

Ano na ang gagawin ko ngayong nagtapat na sya...

Sasagutin ko ba sya? O hindi...

Naguguluhan ako...

Ginulo ko ang buhok ko at tinakpan ang tainga para makapagisip.

"Si Tiger pa din ba?"dinig kong sambit nya.

"Ano? Masarap ba?—"

*PAK*

Nasampal ko sya.

Ba't ko ginawa yo'n?

"S-sorry..."sabay naming sambit.

"N-nadala lang ako..."sambit ko.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ang nagaalala nyang mukha.

"Hindi sa—"

"That's okay Mianna. Wala ako sa posisyon para diktahan ka."pagputol nito sa sasabihin ko.

"Alam ko namang si Tiger lang ang laman ng puso mo eh. Hindi na kita masisisi."dagdag pa nito na nakangiti na ngayon.

Alam kong hindi sya masaya dahil nakita ko sa mukha nya ang pagtulo ng kanyang luha.

Nasasaktan ako! Tama na Lyon!

"Lyon."mahinang sambit ko bago nya punasan ang kanyang luha.

"Don't worry. Basta lagi mong tatandaan na lagi akong nandito para suportahan ka. Kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin. As a friend..."sambit nito bago nya ako talikuran.

Lumapit ako sa kanya at mahigpit syang niyakap patalikod.

Hindi ko na nararamdaman ang pagpatak ng luha ko sa aking mata.

"S-sorry..."huling nasambit ko.

Humarap sya sa 'kin at mapait na ngumiti. Tapos pinunasan ang luha ko. Umalis na din sya pagkasabi nya no'n.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon