Chapter 13: Day One

4.6K 151 12
                                        

MIANNA

"Gising! Gising!"

Masakit pa ang matang napamulat ako nang yugyugin ako sa balikat ni Aizel.

"Gumising ka na, bilisan mo." nakakairita niyang paggising sa'kin.

"Ano ba kasi yon!? Mamaya pa naman ang klase ko ah?! Panira ka ng tulog ko eh!" Patuloy pa rin akong humalukipkip sa kama.

"Ano ka ba? Mabuti pa bumangon ka na diyan kasi magbubunutan na mamaya para sa gaganaping event! Bawal ma-late!" mukhang excited pa niyang sambit na ikinakunot ng kilay ko. Hindi ba bloody 'yong event? Bakit mukha siyang excited?

Umalis na rin si Aizel sa tabi ko. Tumayo na ako ng kama. Kinamot ang sakong. Saka ako pumunta sa banyo para mag-ayos.

Mabilis lumipas ng oras at lumabas na kami sa dorm. Bumaba para pumunta ng field. Habang naglalakad, napansin ko ang mga bahid ng dugo sa hagdanan. Nakakatakot pero ang lansa ng amoy.

Hindi napansin 'yon ni Aizel dahil busy siya sa kakalaro sa phone ko.

Anong nangyari rito?

Minabuti ko nang itikom ang bibig ko para hindi siya maistorbo sa kalalaro niya. Hindi na rin naman siguro bago sa kanya yung ganito kaya hindi ko na rin sasabihin.

Kahiya nemen. Kanina pa niya pinaglalaruan si Pou. At parang ngayon na lang ulit nakalaro.

Pagdating namin sa field, nakita namin na tumatakbo si Timothy papalapit sa'min. Tumigil siya sa harap namin habang hawak ang isang binder notebook na hindi ko alam para saan. Mukhang nakarecover na nga siya pamula nung nangyari nung isang araw.

"Kumusta ka?" panimula ni Aizel. Malawak ng ngiti sa labi. Pasimple ko naman siyang sinundot sa tagiliran.

"I'm fine. Gwapo pa rin." sambit ni Timothy na nakangiti na ngayon tapos may patango-tango pa.

Inaya niya kaming umupo muna sa bench habang hinihintay dumating si Madame Elizabeth na mag a-announce mamaya sa bunutan.

"You okay? You're spacing out." direktang tanong ni Timothy sa'kin.

"I'm fine." tipid na sagot ko. Ngumiti ng pilit. Wala ako sa mood.

"Sungit. Tsk. Eh ikaw Aizel? Ok ka lang?" tanong niya ulit.

Tumango lang si Aizel. Tumingin sa kawalan.

"Alam mo, hindi ko gusto yung ganitong event." pagsisimula ko ng topic. Sinipa yung lata sa paanan ko.

"Wala naman kasing may gusto nito. Tanging si Madame lang."

"Yah tama. Pero nakaka-excite pa rin sa part na hindi mo alam kung sino makukuha mo."pagsasang-ayon ni Aizel.

"Ewan ko sa'yo Aizel. Kailangan gumawa na tayo ng plano."

Maya maya pa ay dumating na si Madame Elizabeth at pumunta na sa gitna na mukhang mag-aanounce. Nagtitipon na rin ang mga estudyante. Dali dali kaming pumunta sa gitna upang makihalubilo sa iba.

Napansin ko rin ang isang estudyanteng kasama ni Madame Elizabeth na nerdy.

"Sino siya?" tanong ko kay Aizel dahil nawala na sa paningin namin si Timothy kanina lang.

"Nigel McGarden, SSC president ng university." Sagot nito.

Napanguso ako sa sinabi nya. Ang kyotie ni kyah...

Nagsimula na ang announcement ni Madame Elizabeth. Wala akong naintindihan halos. Napana yata ni Kupido puso ko.

'Di rin nagtagal nang isa-isa na kaming bumunot ng pangalan sa loob ng malaking kahon. Usapan naming dalawa ni Aizel na sa dorm namin ito titignan kaya 'di ko muna binuksan.

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon