Mianna's POVPumunta na agad kami nang dorm bago ako umupo sa sofa.
"Hindi... hindi pwedeng ikaw Mia! Hindi! Sh*t!"sigaw ni Aizel na humampas pa sa lamesa.
"Wag kang mag alala Mianna, magdodoble proteksyon kami. Hindi naman pwedeng kami nalang ang pumasok at maiwan ka dito baka hindi natin alam, posible syang pumunta dito nang wala kami baka mapano ka pa."sambit ni Timothy na tumabi sa 'kin sa sofa.
Tumango ako ng kaunti at binigyan sila ng mapait na ngiti.
Dumadaloy pa pala ang luha ko sa pisngi ko.
Tumingin ako kay Aizel na nakatingin din sa 'kin.
"Wag ka nang umiyak!"sambit nito bago lumapit sa akin at pinunasan ang luha ko.
Tumulo na din ang luha nya sa sobra yatang pag aalala sa akin.
"Wag ka nang umiyak! Naiiyak din ako eh!"naluluhang saad nya bago ako yakapin nabg mahigpit.
Yumakap din ako sa kanya.
"Basta magkakasama tayo, walang masasaktan"sambit ni Aizel.
"Wag kayong mag alala, makakalabas din tayo dito. Gagawa tayo ng paraan."sambit ni Timothy.
"Don't cry na..."sambit ni Aizel bago punasan ulit ang luha ko.
Binigyan ko na ngayon sila nang matamis na ngiti.
Kinabukasan, sabay sabay na uli kaming pumasok sa room.
Umupo ako sa pagitan nina Tiger at Jupiter na katabi ko naman talaga.
Tumingin ako kay Jupiter at kinomfort sya...
Nginitian nya ako kaya nginitian ko din sya. Maya maya pa nang dumating na ang prof namin at nagsimula na syang magturo.
Halos wala kong naiintindihan sa ibinubunganga ng prof namin sa unahan dahil iniisip ko ngayon kung paano ako makakaiwas sa killer na 'yon.
Hindi din ako makapagsulat nang maayos at nanginginig ang buong katawan ko. Bumibilis din ang tibok ng puso ko sa tuwing lumilipas ang bawat sandali.
Para bang may matang nakatitig sa akin kahit saan ako magpunta. Nagmamatyag sya. Naghihintay ng tamang panahon.
"Ms.Asuncion are you okay?"tanong ng prof namin.
Nag-aalala ka den?
Nilingon ko sya bago tumango ng kaunti.
"Focus."sambit nito bago nagpatuloy sa kanyang itinuturo.
Napatingin ako kay Aizel at nakakunot ang noo nito.
Nginitian ko pa sya bago ako nakaramdam nang pagkahilo.
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Misterio / SuspensoMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.