AIZEL
Kanina pa ako hindi mapakali sa upo ko rito habang nagtuturo si Miss Arpia sa unahan. Iniisip ko pa rin kasi 'yong sulat na natanggap namin kanina.
Totoo kaya iyon?
Nakakapit ako sa kamay ni Timothy para medyo kumalma ako. Kinakabahan ako, baka mamaya lang may sumaksak na lang sa akin dito. O baka naman iba ang patayin niya.
Lumingon ako kay Mianna at napansing nagsasalubong na naman ang dalawang kilay niya.
Hindi ko na kaya. Ang hirap sa loob ko lang ang pagiging matatakutin ko. Kailangan ko namang maging matapang. Ayokong panghinaan ako nang loob.
Kaya ko 'to...
Malalampasan din natin ito!
JUPITER
Nasa loob na nga ba siya?
I don't think so...
Nasa loob na siya. Noon pa lang. Ginugulo lang niya ang mga isip namin. Hindi lang namin napapansin ng mga kaibigan at kaklase ko. And I need to prove it to them all.
Sasabihin ko ba sa kanila this early? O baka ito ang maging rason para mas madali akong sunduin ni kamatayan?
Nakakasiguro kong hindi niya alam na alam ko na ang sikreto niya. At kung sino siya. Sikretong ikakagalit ng iba. Sikretong ikakasira ng mga plano nya.
Must shut your mouth...
Iyan ang huling sinabi nya bago nya tuluyan ang buhay ni Francheska.
Ako lang ba?
Ako lang ba ang buhay pang nakakaalam ng sikreto niya?
Dahil kapag may nakaalam pa ng sikreto niya, baka ikapahamak pa nila.
Masasabi kong magaling siyang magpanggap. Dahil lahat, napaniwala niya. Tignan na lang natin hanggang kailan ka makakapagtago.
MIANNA
Kanina ko pa nahahalata na palingon lingon si Jupiter. Pinapagpawisan din siya at mukhang takot na takot.
"Are you okay?" tanong ko sa kanya.
Humarap siya sa akin at saka tumango.
Ngumiti siya pero parang may mali. Mapait na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Marahil ay takot na takot din siya nang malaman na nandito na sa loob ng room ang killer.
Totoo nga ba? Totoo nga bang nakapasok na ang killer? Sino ba kasi sya? At anong pakay nya?
"You're agitated. Calm the fuck down," mahinang sabi ni Tiger na hinawakan pa yung kamay ko.
Nilingon ko siya at nginitian. Naka poker face siya kaya ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa harapan.
Puno ng tensyon at pangamba ang bawat segundo. Habang lumilipas ang oras ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa sobrang kilig kundi sa sobrang takot.
Napansin ko rin si Miss Arpia na natatakot at hindi makapagsalita nang maayos.
"Sorry class. Masakit lang talaga ang ulo ko," excuse ng teacher namin bago umupo sa harap ng teacher's table sa unahan.
Alam na rin kaya ni Miss Arpia?
*---*
![](https://img.wattpad.com/cover/126431207-288-k270857.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Tajemnica / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.