MIANNA
"Bitawan n'yo syaaaaaaaaah!" sigaw ko habang tapang-tapangan na sumugod sa kanila.
Tinangka ko silang paghahampasin hanggang sa mahawi ang mga lalaking nagkukumpulan at makabitaw ang mga lalaking nakahawak do'n sa babae.
Kinakabahan ako bigla. Bakit kasi ako sumugod basta basta!? Hindi ko rin alam self!? Rhodora X lang?
"Are you okay? "tumingin ako sa badge niya. "Lucy, can you still run?" tanong ko bago niya hawakan ang braso ko at tumango.
Nakapalibot sila sa 'min ngayon at halos lahat sila ay may hawak na kutsilyo. Wala ni isa sa kanila ang may hawak na baril. Lahat ay patalim. Buti naman!?
Hindi pwede, kailangan naming lumaban kahit pa sungay lang ng usa ang hawak ko.
"Ang lakas naman talaga ng loob mo, miss? Alam mo naman sigurong di ka mananalo sa 'kin?" nakangising saad nung putol yung kanang braso.
"Ang yabang yabang mo, eh five five lang naman ang height mo!"
"Patayin sila!"
Tinignan ko ang badge niya kahit pa medyo malayo at may kalabuan. Nabasa ko naman ang pangalan niya. Jacob. Hindi ko na nabasa pa ang apelyido dahil nga malabo.
Sa mga sandaling yon, wala nang iba pang pumapasok sa isipan ko kundi kung makakaligtas pa ba kami sa impyernong lugar na ito? 'Di ka sure?
*Bang!*
Isang putok ng baril ang narinig namin na nanggaling sa likuran. Lahat ng taong nandito ay nakatuon ang atensyon sa lalaking may hawak ng baril.
"L-lyon?" ang unang salitang lumabas sa bibig ko.
Sa isang iglap, pinagbabaril niya isa-isa ang nasa harapan niya. Wala kaming ibang nagawa kundi umupo sa isang tabi at niyakap ang isa't-isa.
Ang iba ay pilit lumalaban kay Lyon. Pero ang iba naman ay binitawan na ang kanilang mga kutsilyo at tumakbo sa kaliwa kung saan ako galing kanina.
Natinag ako nang makita ang mga takot na takot na mga myembro ng underworlds base sa name plate nila, na bumabalik sa hallway papalabas at parang may nakitang multo kung saan sila tumakbo. Underworlds ampota, nuyan Kpop group?
Bakit sila bumalik?
Nakita ko na lang si Tiger na lumabas sa hallway kung saan ako galing kanina.
Puno ng dugo ang katawan nito at aakalin mong may pinatay na sampung katao.
Ano bang nangyari sa kaniya?
Saan siya galing? AT BAKIT NIYA AKO PINAGHINTAY!? FOR WHAT?
Halatang takot na takot sila kay Tiger na may hawak pang swiff knife. Taray ng entrance ni koyah!
In a snap, ubos ang mga maasim na underwears na grupo maliban doon sa pandak na guy. Bakas sa mukha nito ang matinding pagkatakot nang lapitan naman siya nina Lyon at Tiger.
Maya maya pa ay dumating si President Nigel na may hawak na logbook.
Lagi na lang 'tong sumusulpot!
Nilapitan niya 'yong lalaking putol ang braso.
"Name?" mahina pero ramdam sa tono nya ang matinding galit sa loob niya.
Napatingala si Jacob na halos maiyak na. "J-jacob H-hernand-dez." nanginginig na pagtugon nito.
"Follow me." sambit ni Nigel na ikinatuloy na pagpatak ng luha sa mga mata ni Jacob. Bakas pa rin sa mukha nya ang matinding pagkatakot.
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Mystery / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.
