MIANNA
Pagkadilat ng mga mata ko, agad kong napansin si Aizel na nasa tabi ko.
Ang sakit ng ulo ko! Bakit gano'n? Parang binibiyak na parang buko! Nanlalabo rin ang paningin ko pero nalinaw na rin naman.
"Mabuti naman at nagising ka na." nag-aalalang sabi niya.
"Asan ako?" mabilis kong tanong.
"Nasa dorm na tayo, Mianna, ano bang nagyari sa'yo? "
Hindi ako nakasagot. Umupo pamula sa pagkakahiga. Hinawakan ko rin yung ulo ko baka kasi mamaya mabiyak na lang ito nang wala sa oras.
"Mianna, are you sure you're okay?" mahinahon, pero ramdam mo ang awtoridad sa tanong niya. Inayos ko muna ang sarili bago sumagot.
"May isang bitch kasi na kinuha yung tuwalya ko. So, hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa isang dorm. Wala akong suot sa mga oras na 'yon kundi yung two piece. Pero dumating si Lyon at pinasuot yung jacket n'ya sa akin. And ayon, hindi ko alam ano nangyari, unti-unting nawalan na ako ng malay." sagot ko.
Nagtaas siya ng kilay na akala mo'y may ginawa akong kasalanan.
"O? Anong tingin 'yan?"
"Gusto mo bang pumunta tayo kay Nurse Joy?"
"I'm fine. Really. Sinabi ko na sa'yo 'di ba? Hinabol ko lang talaga yung tuwalya ko."
"I know naman that, pero bakit kasi hindi mo na lang hinayaan. Napakaraming tuwalya diyan sa cabinet ko. Bakit hindi pa yun yung ginamit mo? Dinala mo pa yung sarili mo sa peligro niyan eh."
"Eh kasi... kay—"
"Kanino?"
"Eh kasi kay mama 'yon eh." kinagat ko na lang yung ibabang bahagi ng labi ko saka ako napayuko.
Naiiyak ako, pero pilit ko iyong pinipigilan. Ayokong makita niya akong umiiyak.
Ang pangit ko kaya!
"Mianna."
"Okay lang ako." saka ako ngumiti nang pilit.
"You sure?"
Ilang sandali lang nang yakapin niya ako pero mga limang segundo lang. Bumitaw din agad sa pagkakayakap.Pagkatapos, pumunta ako ng kuwarto at naupo sa kama. Nang mapansin kong medyo malamig pa yung jacket na suot ko napaisip naman ako.
Kailan ko kaya ito ibabalik? Edi malamang bukas!
Nagbihis na ako at humiga sa kama. Nang hindi maramdaman ang pagiging kumportable, muli akong umupo at sumilip sa labas. Gabi na pala. Madilim na pero nagbibigay pa rin ng liwanag ang buwan na bilog na bilog.
Huminga ako nang malalim bago bumukas ang pinto at inuluwal nito si Aizel na ngayon ay nakangiti na.
Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik at mabilis na kumalas. Sa tingin ko ay nakahanap narin ako ng totoong kaibigan na mapagkakatiwalaan ko.
"Do you feel any better?" nag-nod lang ako.
"Alam mo, sorry ha?"
"Bakit naman?"
"Eh kasi parang medyo may nasabi akong hindi maganda kanina."
"Ano ka ba? Tuwalya lang yun okay? Mapapalitan 'yon. Pero ikaw, hindi."
![](https://img.wattpad.com/cover/126431207-288-k270857.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Mystère / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.