Chapter 11: Hideout

4.7K 136 7
                                        

MIANNA

Sa lugar na kinatatayuan ko, natutunan ko na kung mahina ka, hanggang diyan ka na lang. Wala ka nang karapatang mabuhay. Pero kung malakas ka at may tiwala sa sarili, makaka-angat ka sa kanila.

Pagkapunta namin sa kuta ng BS, napansin namin ang isang na pinto. May mga bahid ito ng mga natuyong dugo. Gumawa ito ng maingay na tunog ng kinakalawang na metal nang bumukas. Nakasalubong namin ang tatlong lalaking nakamaskara. Agad kumuha yung babaeng kasama namin ng baril bago paputukan isa-isa ang mga nakaharang sa'min. Saglit kong tinakpan ang tainga dahil sa putok ng baril na katabi ko lang.

Masakit sa tenga teh!

"Bilisan natin." sambit ni miss blonde.

Pumasok kami sa nasabing lugar. Napansing walang tao. Iginala ko ang tingin para tignan kung may nagmamasid sa'min. Hindi ako makapaniwala na may ganitong lugar dito.

"Sino kayo!?"

May dumating pang mga lalaking naka maskara na bago pa makapaglabas ng baril ay napaputukan na ng babaeng kasama namin.

"Let's take this way." sambit nung babae.

Bahagya kong tinignan yung name badge niya at nakita ko ang kanyang pangalan. Scarlet Alberon, miyembro siya ng grupong nung mga babae kanina. May logo din sa badge niya.

Ibig sabihin, masama rin siya? O puro ka-charotan lang pinagsasabi sa'kin ni Aizel?

Sumunod kami kay Scarlet at nakita namin ang isang babaeng nakasabit sa kadena sa di kalayuan.

What the heck!?

May hook na nakasabit sa bawat kadena na nakatusok sa balat nya. Ito lang ang nagsisilbing handle niya para hindi siya mahulog. Mayroon ding malaking blade na nakatapat sa leeg nya at sa oras na bumigay ang balat niya sa kamay, paa at iba pang bahagi ng katawan. Mahahati ang buong mukha at maari siyang mamatay—hindi, mamamatay talaga siya!

"Tulong!" sigaw nung babae. Hindi ba dapat deadabolz na si ante kasi sa blood loss?

Balak na namin siyang hindi tulungan pero naka-lock ang susunod na room papunta kay Timothy—ayon kay Scarlet. Emeged.

"Nasa taas ko ang susi papuntang kabila kaya tulungan n'yo ako! P-please." mangiyak-ngiyak na sabi niya sa amin. Bakas na rin ang panghihina sa boses nito.

"Tulungan natin siya." suhestyon ko kay Scarlet pero inirapan lang ako nito. Tusukin ko mata mo!?

Wala na kaming choice kundi tulungan siya bago pa dumating ang mga tao rito.

"Hey, you there, stay still!."sabi ni Scarlet.

Kumuha kami ng lamesa na nasa sulok ng room at inilagay sa tapat nung babae. Pagewang-gewang na rin ito kaya mas lalong nakakakaba. Pero sino ba naman ako?

"Ako na ang kukuha." presinta ko at umapak sa lamesa kung saan hinahawakan nila Aizel at Scarlet para sa suporta.

"T-teka lang. H-hindi ko maabot."

"Tumalon ka!" sigaw ni Scarlet.

"T-teka wait!"

One...

Two...

Three...KYAH!

Pagkakuha ko nung susi sa taas kung saan nakatali yung kadena, nagulat na lang kami nang biglang bumigay yung balat nung babae dahilan para mahati ang mukha nito sa dalawa.

"AAAH!" tili ko nang masaksihan ko kung paano mahati ang kanyang mukha.

Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi gumawa ng ingay. Gurl? Late pero sigi. Muntik na akong malaglag sa takot. Ngayon palang kasi ako nakakita ng ganito sa buong buhay ko. At worst, sa mukha ko pa!

Pilit akong hindi gumagawa ng ingay habang binubuksan ni Scarlet yung pinto. Bumaba naman ako dun sa lamesa at dumeretso na kami sa may pintuan.

Nang sandaling bumukas ito ay nakita agad namin si Timothy na walang malay na nakatali sa upuan.

"Timothy!" sigaw ni Aizel bago niya ito agarang nilapitan.

Marami itong sugat, mga paso sa katawan, at pasa sa mukha. Dumudugo rin ang ulo niya. Nilapitan agad namin s'ya at kinalas sa kanyang pagkakagapos. Inakbayan namin ni Scarlet si Timothy upang madala na papalabas ng Hideout.

Mamatay na gumawa nito sa kanya!

Habang naglalakad papalabas ay biglang nagkamalay si Timothy.

"Nasa'n ako?" naghihinang tanong niya.

"Nasa hideout ka ngayon ng mga BS. Ano bang nangyari sa'yo?" nag-aalalang sambit ko.

Hindi na niya sinagot ang tanong ko at nginisian lang ako bago mawalan ulit ng malay.

Bago pa namin marating ang labasan ay bumukas na ito at may pumasok na isang lalaki. Naka maskara siya na parang bungo.

Ang creepy 'di ba?

Chance na namin ito para umalis. Hindi na naman nasara yung pinto kaya may time pa kami para lumabas.

"Pag bilang ko ng tatlo ay sabay sabay tayong tumakbo paalis." sabi sa amin ni Scarlet.

"One..."

"Two..."

Nagbubutil na ang pawis sa noo ko.

"Three!" tapos sabay-sabay kaming tumakbo papalabas ng hideout.

Nadapa si Aizel! Gago kasi! Bakit kasi papatakbuhin eh may dala kaming unconcious!

"A-aray." agad namin siyang binalikan at hinawakan sa kamay at inalalayang tumayo.

Napatingin kami dun sa lalaking naka maskara at kasalukuyang nakatingin samin!

Waaaah!

"Alalayan niyo 'tong lalaki, ako na bahala dito." biglang sabi ni Scarlet bago muling ilabas ang kanyang pistol.

"P-pero paano ka?"

"Shut it! Umalis na kayo! Ngayon na!" sigaw nito kaya agad din kaming umalis do'n.

Nakalabas naman kami at dali-daling pumunta dorm ni Timothy.


SCARLET

"What's with that face? Scarlet?"

"Ayoko nang makipaglaro sa'yo kaya pwede ba? Umalis ka na." mariing sambit ko.

"Oooh! Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Hideout namin 'to kaya ikaw ang umalis!"

"Kapag sinabi kong ikaw ang umalis, ikaw ang umalis. Maliwanag?"

"Oh!? Tinakot mo naman ako do'n Scarlet—"

Agad itong napahiga sa sahig nang sandaling paputukan ko siya sa kanang tiyan.

"Are we clear?" muling tanong ko at tinutukan pa ng baril ang noo nya.

"Y-yes." nanghihinang sabi pa nito at sumuka ng dugo.

"Good." saka ko siya muling pinaputukan.

"A-anong ginagawa mo rito, Miss Alberona?" tinig ng isang lalaking nanggagaling sa labas.

Kahit hindi ko siya tignan, kilala ko na.

"Alam mo naman sigurong labag sa rules 'tong pagpasok sa hideout ng iba kung taga ibang lugar ka, tama?"

Humarap naman ako sa kanya at ibinulsa na ang baril ko.

"Alam ko pero... ano nga rin ba ang ginagawa ng isang SSC vice president dito? Mister Lucas Santiago?"

****

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon