Chapter 28: Knock

3.2K 108 3
                                        

PATRICIA

Takot na takot ako sa titig niya. Ayoko nang mabuhay. Gusto kong kalimutan ang lahat ng nalalaman ko—ng mga nalaman ko. Alam na rin yata niya na alam ko ang kanyang tinatagong sikreto.

Kailangan ko nang lumayo sa kanya. Kailangan ko nang maka-alis dito!

"Okay class, that's all for today, goodbye." Pagtatapos ng teacher namin sa klase. Sa wakas, makakalabas na rin ako.

Nauna na akong lumabas sa kanilang lahat at tumakbo na hindi malaman kung saan pupunta. Sinusundan nya ba ako?

Hindi. Baka hindi. Pumunta na ako ng comfort room at naghilamos sa harap ng salamin.

Ano nang gagawin ko? Nang dahil lang nalaman ko ang itinatago niya, hindi na rin tatagal ang buhay ko?

Maya maya pa ay nagpapatay sindi ang ilaw. Napupundi na yata ang ilaw dito.

Patay...

Sindi...

Patay...

Sindi...

Paulit ulit lang hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwal nito si...

Ang taong naka black hoodie jacket. Katapusan ko na. Sikretong kapag nalaman ko ay ikakamatay ko. O sikretong kapag nalaman ko ay mas malala pa sa impyerno ang matitikman ko.

"Hey girlie, where do you think you're going? You think you're slick, huh?" Itinaas nito ang kutilyong hawak niya na nakatutok na sa'kin ngayon.

"Please, 'wag—please!" Nagmamakaawa pa ako sa kanya habang papalayo at maisandal ang likod ko sa pader.

Tumulo na ang luha ko. Ito na ba ang huli?

Patawad Francheska, hindi na kita maibibili ng paborito mong barbie doll dahil ngayon... mawawala na si ate.

Itinaas niya ang patalim at itinaraka niya 'yon sa pinakagitna ng dibdib ko.

Bago ko pa tuluyang maisara ang mata ko ay nakita ko pa kung papaano pa niya isulat sa sticky note ang dugo sa tiyan ko at saka iyon inilagay sa noo ko.

And everything went black...


MIANNA

Lumabas na kaming apat sa room at binabalak pumunta na sa cafeteria.

"Timothy, pwede bang sa dorm ka na lang magluto?" suhestiyon ko dahil hindi ko talaga nagugustuhana ng presensya ngayon ng cafeteria.

"Uhh, uhm, sure." Mabilis na sagot nito.

"You mean, hindi na tayo pupuntang cafeteria? Pero akala ko ba—you know what? Fine. Tinatamad na rin akko. Let's go." Lumiko kami ng daan pabalik ng dorm.

Ngunit hindi pa kami nakakarating sa dorm ay nakaramdam ako bigla ng call of nature. "Pupunta muna akong cr," pagpapaalam ko sa kanila.

"Gusto mo samahan na kita?"aya ni Aizel.

"No hindi na, saglit lang naman ako dun eh! Promise babalik agad ako," sagot ko bago itaas ang kaliwang kamay.

WALA KASING LOO DOON SA BANYO!

"Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ako. Tutal puputok na rin yata ang pantog ko kaya samahan na kita," sambit ni Aizel.

Tumango lang ako at nagpaalam na 'yong dalawa. Sa kabilang banda, kami ni Aizel ay naglalakad na papuntang cr.

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon