Chapter 31: A Killer Among Us

2.8K 100 1
                                    


MIANNA

Sinabi ko na nga ba eh! Hindi siya papatawadin ng konsensya niya!

Napatingin ako kay Timothy na seryosong kumakain.

Ano kaya yung gusto niyang sabihin sa 'kin? May itinatago ba siya sa amin?

Hindi naman napapansin ni Aizel na seryoso ngayon si Timothy dahil lamon siya nang lamon. Lahat na yata ng pagkain ay nakain niya.

Pinaypayan nito ang kanyang bibig nang makain niya ang kanin na hindi man lang muna pinalamig.

Takaw teh!

"Dahan dahan lang kasi," suhestyon ni Freed habang tinatapik ang likod ni Aizel.

Hinampas ni Aizel ang kamay ni Freed na ikinatawa ko.

Brutal.

"Hindi naman ako sinasamid! Bakit mo ako tinatapik sa likod?" angal nito.

"For safety purposes," sagot naman no'ng isa na mahinang ikinatawa ko.

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain habang si Aizel naman ay mauubos na ang lahat ng pagkain, nakakunot na naman ang noo hanggang ngayon.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na agad kami sa dorm. Dumiretso akong umupo sa sofa malapit sa bintana.

Sumilip ako sa labas at napansing umuulan na pala.

"Hey," biglang sulpot ni Aizel na nasa tabi ko na pala.

"Ewan ko ba..." ipinatong ko yung ulo ko sa balikat niya.

"Para talagang may mali. Hindi ko alam pero may mali talaga eh!" saad ko bago alisin ang ulo ko sa balikat nya.

Humarap siya sa akin at nagpantay kami ng tingin.

"Wag mo nang isipin pa nang masyado 'yan. Ang mahalaga, magkakasama tayo... everything will be fine," sambit niya bago niya ako hawakan sa braso.

Sana nga Aizel.

Tumayo na ako sa sofa at pumuntang kwarto.

"Wait lang, Mia!" sigaw ni Aizel na sumunod sa akin sa kwarto.

May bago na pala akong nickname. Mia. Ang ganda naman. Bagay sakin.

"Bakit, Aiz?" sagot ko naman pabalik bago humarap sa kanya na mahinang ikinatawa niya.

Umupo ako sa kama ko at nag-isip-isip. Tapos nagkwentuhan na rin kami ng kung ano-ano.


LUCAS

I found myself once again in the wide open space. Ignoring the heavy downpour, I buried my face in my knees that allowed the raindrops to cascade down my back and soak through my clothes. The cold sting of the rain against my skin is like the atmosphere here on campus right now—it was very cold.

Hindi ko alam saan magsisimulang mag-imbestiga. Hindi na tama ang mga nangyayari. I can't let this happen anymore!

After a while, I wiped my face, stood up, and walked towards a nearby bench to take shelter. Punong puno pa rin ng mga tanong ang isip?

"Pero sino?" No matter how much I searched within myself, the answer remained just out of reach. Fuck this!

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa pagkakalito. At doon, napansin ko ang pares ng sapatos na nasa unahan ko.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon