MIANNA
Nagising na ako nang hindi pa sumisikat ang araw. Masakit kasi ang maria ko kakasiko ni Aizel. Ang likot niya matulog! Plus ang pangit pa ng gising ko dahil lagi niya akong ninanakawan ng kumot.
Bumangon na ako at nais magtimpla ng kape. Kape na naman?!
Lumabas ako ng kwarto at naalalang punishment day ngayon. Kung saan lahat ng estudyanteng hindi nakakuha ng enough points ay mabibigyan ng hindi ko alam na penalty.
Nakakaantok pa pala...
Bumalik muli ako sa kwarto at nais uling mahiga pero sinakop na naman ni Aizel ang buong kama. Kapal ng mukha!
Napangiwi ako saglit at naupo na lang sa isang gilid...
"Gising ka na pala," sambit ni Timothy na bigla na lang sumulpot sa gilid ko.
Huminga ako ng malalim bago nag-isip-isip. Ni hindi ko nga napansin si Timothy na umalis na sa kwarto. Basta ang ang alam ko, nawala na siya sa paningin ko.
Lumabas na rin ako at pumuntang salas. Si Timothy naman ay nasa kusina at magluluto yata ng breakfast namin. Personal chef yarne.
Sumilip ako sa bintana at naghalumbaba. Pinapanood ang pagsikat ng araw. Ang alam ko, maganda ang pagsikat ng araw. Pero parang may mali... may mali... may pinapahiwatig ba ang araw sa mangyayari mamaya?
Basta ang alam ko, safe na kaming apat sa gaganapin mamaya. Pero bakit gan'to? Bakit iba ang nararamdaman ko? Parang lahat ay may mali...pero ano? Nakakaramdam ako ng masama.
Ilabas mo na 'yan Mianna!
Umalis na ako sa bintana at ginising na sina Aizel at Freed para kumain.
LUCAS
Kanina pa ako kamot ng kamot sa binti ko habang tinatahak ang masukal na daan papunta sa gaganaping punishment event.
Inatasan kami ni pres McGarden na magtayo ng mga posteng paglalagyan ng apoy sa gilid ng buong lawa para sa gaganapin mamayang gabi.
"Kanina pa tayo lakad nang lakad. Nasan na ba kasi 'yang event venue na 'yan ha?" naiinis nang tanong ni Harvey.
"Kamot nang kamot kamo," saad naman ni Lyon na kanina pa rin walang tigil sa kakakamot sa binti.
"Wag na nga kayong maginarte d'yan, basta bilisan n'yo na lang. Hindi lang naman kayo ang nahihirapan eh! Ako rin." pambibiro ko na ikinasama nila ng tingin sa 'kin.
"Okay, Mr. Bootman."
"Ipapalunok ko talaga sa'yo 'yang sapatos mo."
Parang hindi naman talaga biro 'yon eh.
Ang sakit na ng mga paa ko. Parang hindi ko na kaya. Ang pula pula na nga kakakamot ko. Mabuti na lang at nandito na pala kami.
Isang liblib na lugar na pinaliligiran ng mga puno.
"Nandito na ba tayo?" tanong ni Harvey.
"Shut up."
MIANNA
Mabilis lumipas ang alas-dos ng hapon. Nandito na kaming apat sa cafeteria dahil wala kaming pasok ngayon dahil sa gaganaping event mamaya. Nakalimutan din kasio naming kumain kakalaro ng charades kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/126431207-288-k270857.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Bí ẩn / Giật gânMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.