MIANNA
Dinala na namin sa clinic ang amphetamine at ipinainom na ito agad kay Timothy. Kasunod, unti-unti na niyang iminulat ang mata niya.
"Mabuti naman at nagising ka na." sambit ni Nurse Jennie.
Ipinainom na Rin sa kanya ang toxin nullifier pagkatapos. Ang pamumutla niya ay unti-unting nawala sa paglipas ng oras. Bagay na ikinatuwa naming lahat.
*---*
Kasalukuyan akong naglalakad sa main way nang makita ko ang mga estudyanteng parang may tinatakluban sa likuran. Unti-unti silang nahawi at ang natira ay si Lyon na may dalang bulaklak na may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
Unti-unti niya akong nilapitan at ibinigay sa 'kin ang bulaklak na dala niya.
"Para sa 'yo." saad nito.
"Thank you. Pereseen nemen 'te. Ehe." hinawi ko pa ang buhok sa aking tainga sabay kagat dila.
Ngunit hindi pa nagtagal nang biglang dumating si Ivy na papalapit sa amin at sinampal ako nang malakas.
*----*
Well, guess what? Maaga akong ginising ni Aizel dahil special daw ang araw na ito para sa kanya.
Sayang tuloy!
It was a dream!
Ganda sana ng ending—-romantic. Kaso dumating lang ang demonyo. Sayang!
Sana totoo...
Alas sais ng umaga pa lang naman pero naligo na agad kami at dali-daling nagbihis.
"Bye." paalam ko kay Aizel bago maglakad papuntang first subject. Lab subject ata kami ngayon pero idk. Hindi ko ako sure.
Habang naglalakad ako, may naririnig agad akong bulong-bulungang may namatay raw na estudyante this early morning.
Magandang tsimosa's here!
Minabuti ko na lang itong hindi pansinin kaya mabilis ko silang nilagpasan. Nandito na pala ako sa room nang hindi ko namamalayan. Binuksan ko ang sliding door at nakita ang mga kaklase kong umiiyak.
Ang iba ay nakatakip na ang mga mata at ang iba ay bibig. At halos lahat sila ay nakatingin sa unahan. Tinignan ko ang unahan at tumambad sa akin ang walang buhay na si Jolina na nakaupo sa isang upuan. Napansin ko rin ang hawak nya sa kanyang palad.
Ang pangalan ko na nakasulat sa papel.
Ako pala ang huhuntingin niya.
Wala akong idea!
Napatakip ako sa bibig ko at tinangkang lapitan. Ngunit hindi pa man ako nakalalapit nang harangin ako ni Zyrine.
"See? Nagtiwala siya agad-agad sa mga kaibigan niya. Kaya ikaw kung ayaw mong sumunod sa kanya, mag-ingat ka, Mianna. Baka hindi mo nalalaman, titirahin ka nila sa likod eventually." nakangising sambit nito.
Bigla ulit nanayo ang mga balahibo ko sa mga pinagsasabi ng Zyrine na 'to. Hindi dahil sa natakot ako kundi dahil ayoko pang matira patalikod!
Bwiset!
Nilampasan ko siya at umupo sa upuan ko sa likuran.
Time passed at hindi ko na maalala pa kung paano naglaho sa paningin ko ang bangkay ni Jolina sa unahan. Basta ang alam ko, lutang ako nung mga oras na 'yon. Malayo ang iniisip. Kaya siguro hindi ko na napansin pa.
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Mystery / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.
