MIANNA
Iniwan na ako ni Steven sa benches dahil pupunta na raw kasi siya sa dorm at doon na lang kakain. Marunong ba siyang magluto?
The reason why sabay kami kanina lumabas eh saktong siya lang ang kilala kong kaklase ko sa last subject ko this morning.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Lucas na papalapit sa daan ko. walang suot na salamin.
"Good afternoon po vice president Santiago," bati ko.
Binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti bago ako lagpasan at nagpatuloy sa paglalakad.
Snobber si Manong!
Napangiwi na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Dumiretso na ako sa cafeteria at naabutan silang tatlo na kumakain sa usual seat namin. Ang mga words na nasa utak ko lang ay bakit 'di nila ako hinintay!?
Mga patay gutom!
Pumasok ako sa loob at umupo sa isa pang bakanteng upuan katabi nila.
"Ba't 'di n'yo ako hinintay?" pabungad na tanong ko.
"We thought kumain ka na kasama si Steven kasi kanina pa kayo magkasama plus, gutom na kaya kami! Ano kaba! Kaunti pa lang naman ang nakakain." Humigop muna siya ng coke at bago magpatuloy. "Ako pa lang naman ang umoorder, kakaupo lang namin talaga,"sambit ni Aizel habang ngumunguya. Tapos may hawak pa sa kamay na fried chicken.
Tumayo mula sa kinauupuan si Freed at umorder na kami. Matapos kumain, biglang may narinig kaming isang malakas na sigaw ng babae sa labas ng cafeteria.
Agad na pinuntahan 'yon ng mga estudyante na nasa loob ng cafeteria.
Naunang tumakbo papunta do'n si Aizel. Anong meron? Artista?
"Saan ka pupunta?" tanong ni Timothy.
"Syempre saan pa? I just want to see kung anong meron do'n," sagot ni Aizel at nagpatuloy uli sa pagtakbo.
"Teka! Wait, Aizel sasama ako baka mapano ka!" sigaw ni Timothy bago sumunod.
"Sasama rin ako, wait!" sambit ni Freed na kumuha pa ng hotdog bago sumunod sa kanila.
Pumunta rin ako doon at nakipagsiksikan sa mga estudyanteng nagsisiksikan papalabas ng cafeteria.
Nang masaksihan, nagulat na lang ako at napatakip ng dalawang kamay sa bibig kong gusto nang mapatili. Tumambad sa amin ang isang babaeng estudyante na wala nang buhay at may saksak nang isang mahabang kutsilyo sa kanyang dibdib. Nangamoy ang malansang amoy ng dugo sa harapan.
Paanong napunta 'to rito? Eh wala naman nito kanina.
Mayroon din itong sticky note na nakadikit sa kanyang noo. Number one ang nakasulat doon na sa tingin ko ay dugo. How come walang nakapansin sa sobrang dami ng labas-masok na estudyante?
Hindi rin nagtagal nang hatakin agad ako nila Timothy papaalis doon.
"Bumalik na tayo sa dorm," malamig na sambit ni Timothy na ikinatango naming lahat.
Tumakbo kami papunta doon nang makasalubong si Madame Elizabeth na papunta rin yata sa pinangyarihan. Kasama niya si Nigel na sabay kaming nilampasan na akala mo'y invisible kami sa kanila.
Hindi na namin 'yon pinagaksayahan pa ng oras at nagpatuloy na lang sa pagtakbo pabalik sa dorm. Nang makarating, saka pa lang tumunog ang kampana. Tatlong beses ulit 'yong tumunog na as usual ay tatlong beses talaga.
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Misterio / SuspensoMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.