*SPECIAL CHAPTER*

4K 101 27
                                        


5 years later...

Aizel's POV

Kahit isang taon ko pang tignan nang walang tigil ang mukha nya ay hindi talaga ako magsasawa. Matagal ko nang hinintay ang pinapangarap na mag-ka-baby na ang hindi ko alam, matutupad na din pala sa wakas. Tama nga sila, lalo na si Mia...

This is it...

*beep*beep*

Tunog na narinig ko labas ng bahay. Si mommy, namatay na sya 2 years ago. So kami nalang talaga ang tao dito. Hindi ko na rin minabuting silipin dahil alam ko naman kung sino ang dumadating.

"Wait lang hon!"sigaw ko bago ko halikan ang noo ni baby na nakatayo sa cradle.

"Wait ka lang muna dito baby Xian? Tawag lang ako ni daddy. Wait lang... hihihi"dagdag ko pa bago pisilin ang isang pisngi nito.

Bumaba ako ng hagdan at lumabas na nang bahay.

Nandito na nga sya...

Lyon's POV

Kanina pa ako pabalik-balik at papasok papalabas ng bahay. Paikot-ikot na ako sa mag-inang yon.

Tsk...

Bilad na bilad na ako dito sa araw na papalubog na.

Nasan na kasi yung mag-inang yon!

"Tang*na!"kanina pa ako mura ng mura dito kakahanap sa kanila. Nasan na ba kasi yung mga yon!?

Kasalukuyan akong nasa kusina at nagbabakasakaling tinataguan lang nila ako. Maya maya pa nang nakarinig ako ng kung anong ingay...

*beep*beep*beep*

Tunog ng busina na nanggagaling yata sa labas ng bahay.

Sino naman yon?!

Dali dali akong lumabas ng bahay at binuksan ang gate. Ayaw kasi ni Ivy na mag-maid kami kaya kami nalang ang nagliinis dito. Baka ako na nga lang yata eh...

Agad kong binuksan ang gate at...

"So tagal naman oh, magbubukas lang ng gate eh. Nasisira tuloy ang ganda ko. Sayang naman diba? I-pang dodonate ko pa ito eh."taas kilay na sambit ni Ivy bago bumaba ng kotse.

"Nasan si..."natigilan ako sa pagsasalita at napangiti nang ibaba nya sa kotse si Kizent...i mean... baby Kizent.

Agad nyang ibinigay sa akin si baby Kizent at kinuha naman nya yung mga pinamili nya na halos isang kotse pala. Kadalasan puro make up, damit, pabango, accessories at kung an-ano pa pang laman nyan kaya hindi na ako nagtataka.

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon