MIANNA
Takot na takot ako. Nanginginig ang buong katawan ko. Ano nang gagawin namin?
Mabilis na tumayo si Timothy at tinulak 'yong sofa at inilagay 'yon sa harap ng pinto upang hindi makapasok yung killer.
Maya maya pa ay nawala na ang pagkatok nya sa pintuan. Ngunit na kahit na ganoon, hindi pa rin kami kumikibo.
Tapos na siya? Wala na ba siya?
Huminga ako nang malalim at muling umupo sa couch. Nagpahinga na ako dahil busog naman ako. Pumunta na akong kwarto at humiga na sa kama.
Gusto ko nang magpahinga. Gusto ko nang matulog pero kahit anong pagpikit ang gawin ko ay hindi talaga ako makatulog. Ayaw ng katawan ko.
Makisama ka naman!
"Are you okay?" tanong ni Aizel na nasa kwarto na pala.
"Hindi, hindi ako okay," mabilis na sagot ko.
Umupo siya sa tabi ko at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.
"Everything will be fine. Basta nandito kaming mga kaibigan mong laging susuporta sa 'yo. Lagi kaming nasa tabi mo. Lagi mo 'yang tatandaan," sambit niya na ikinangiti ko.
Natulog na kami pagkatapos naming kumain.
*next day*
Gumising na ako ng maagang maaga. Ako palang ang gising. Try kong magluto para naman makabawi naman ako sa kanila. Hindi man ako expert pero I will do my best.
Pumunta na akong kusina at nagsimula na sa pagluluto.
After cooking...
ANO TO?!
Titikman ko nga muna!
Medyo may something lang 'yong lasa pero nakakain pa naman. Hindi na ako kumain pa at naligo then nagbihis na lang para pumasok. Hindi na muna ako sasabay sa kanila. Gusto ko munang mapag-isa.
Pumunta na ako ng room at naabutan si Tiger na nauna na pala kaysa sa 'kin. 'Di ba laging late 'to?
Wala pang ibang estudyante don kung hindi kami lang. Pumunta na muna ako sa likod para mapag-isa na as usual ko namang ginagawa.
Sinulyapan ko si Tiger nang makapunta ako sa likuran. Nakita kong naglabas siya ng dalawang burger at dalawang coffee na galing yata sa cafeteria.
Patay gutom!
Dito siya kakain?
Hindi ba siya nag-agahan?
Teka lang, ba't ko ba siya inaalala?
Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakikita.
Ay yung phone ko. Naiwan ko sa backpack ko. Kukunin ko na lang.
Nasa tabi kasi ni Tiger yung backpack ko kaya kailangan ko pa talagang lumapit sa kanya.
Pumunta na ako kung nasaan si Tiger—sa upuan ko.
Kukunin ko na sana 'yong backpack ko pero kinuha niya ito at inilagay sa right side niya.
Tang*na this!
Napangiwi na lang ako at hindi na pinansin 'yon. Nasapian na naman kasi yata 'to ng masamang elemento.
Pumunta ako sa kabila at kukunin for the second time 'yong backpack ko nang hinablot niya ulit ito at inilagay naman sa left side niya.
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Mistero / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.
