Chapter 14: Time Is Running

4.1K 136 18
                                        


MIANNA

So, ayun, ang ending, naging partner ko na lang si Lyon. Papano, biglang sumingit si Ivy sa'min. Epal.

At saka bakit pa kami maghahanap ng species eh dito palang sa room may tigre at leon na!?

Pumunta na kami sa daan papuntang gubatan na kapag dineretso mo ay nasa labas ka na. Chance ko na 'to para makatakas sa impyernong university na 'to at makapag report na agad ako sa mga pulis pero pano? Sa anong paraan?

Pumunta na kami sa starting line. Sa nakaguhit na mahabang pulang linya na parang katulad sa isang race. Habang si Tiger naman ay katabi lang namin kasama si Ivy.

"You two look good together." nakangising sambit ni Ivy sa amin tapos tumawa na parang tanga.

Inirapan ko siya dahil nagsimula nang magpaliwanag 'yong teacher sa unahan.

"Kung may mangyari man sa inyo, I'll call Nurse Joy immediately."

Blah blah blah... kung ano ano pang pinagsasabi niya na hindi ko naman maintindihan. Naiirita ako kay Ivy.

"Okay, run on my count."

"One!"

"Two!"

"Three!"

"Go!" nagpaputok siya ng baril.

Lahat ay tumakbo papuntang woods. Mabilis ang bawat kilos. Wala pa kami sa kalagitnaan ng gubat pero may naririnig na kaming sigaw sa 'di kalayuan.

"Hey, focus on your way!" sambit ni Lyon sa'kin. Napatango naman ako.

Para bang nawawala lahat ng takot ko pag sinabi niya 'yon. Para akong special. Para akong rebisco.

Sa kalagitnaan ng gubat ay may nakita kaming isang kambing na nakatingin sa'min sa 'di kalayuan. Hindi ko alam kung napansin 'yon ni Lyon dahil nagtatali siya ng sapatos.

"'Wag kang tatakbo munting kambing. Hihihi, prepare for mother."sambit ko habang unti-unti ko siyang nilalapitan.

'Wag sanang isipin ni bebe Lyon na nababaliw na ako Hindi 'yon katanggap tanggap.

Sa isang hakbang ko pa ay dali-dali itong tumakbo palayo. Hinabol ko yung kambing sa gubat hanggang sa mahuli ako sa isang net trap sa lupa papataas sa malaking sanga ng isang puno.

"Aaaaaaah!" may bahid ng paawa yung sigaw na 'yon para kay Lyon me loves. Charot!

"HEY! ARE YOU OKAY THERE!?"pasigaw na tanong ni Lyon sa baba.

"H-ha? O-okay lang eke!" nauutal na sambit ko.

"Don't worry, hahanap ako ng paraan." Napatango ako sa sinabi niya. Inis na tinatanggal ang ilang mga langgam na dumidikit sa balat ko kasama ng mga tuyong dahon.

"Well, well, well."

Agad napunta ng atensyon ko sa ibaba. Hindi nga ako nagkakamali. Nandito ang impakta!

Balon, balon, balon?

"Look who's here. Nahuli dahil sa kanyang katangahan. Well. Suits you."

"Pwede ba Ivy, tigilan mo na ako." sambit ko. Duraan kita diyan eh.

"Well, talagang hindi kita titigilan Mianna Asuncion. Hahaha! Ngayon pang nandyan ka sa net. Mukha kang nahuling ahas! Hahaha."

"So what?! kili kili mong banat!"

"What did you just say?!" iritable nitong sagot.

"Nothing."

"Buti nga sayo! Diyan ka nababagay!"galit na sigaw ni Ivy na nanlilisik pa yung mata. Kung meron mang kidlat na lumalabas sa kanyang mga mata ngayon. Baka kanina pa ako tusta rito.

"Can you just shut up your mouth? Hindi ito ang tamang lugar para mag-away kayo."pagputol ni Lyon sa amin.

Umirap lamang si Ivy sa amin. Habang si Tiger naman ay mukhang walang pakialam sa akin.

At wow!

Nakatingin pa rin ng masama sa akin.

Inaano kita!?

Bwiset na 'to kala mo naman kung sinong gwapo. Mukha namang sabog na nilaglag sa—

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

Agad akong napapikit nang biglang bumigay yung tali ng net. Inaasahang sakit ang mararamdaman ngunit hindi. May sumalo sa akin.

Nalaglag ako sa bisig ni Lyon nang masalo niya ako mula sa pagkakahulog ko sa kanya-este sa taas.

Napamulat ako. Walang dalawng dangkal ang layo ng mukha niya sa'kin. Malakas rin ang tibok ng puso ko. Feeling ko talaga siya na.

Gusto ko lang na malaman niya na he's the apple of my eye, mango of my pie, palaman of my tinapay, keso of my monay, teeth of my suklay, fingers on my posay, seeds of my pechay, calcium in my kalansay, stars of my sky, baba of my Ai-ai, sizzie when I fry, wind when I paypay, tungkod when i'm pilay, shoulder when I cry, wings when I fly fly, cure in my 'aray', answer to my why, truth behind my lie, the life after I die, inshort, the center of my buhay!

"Are you okay?" tanong niya dahilan para mapunta ako muli sa realidad.

Okay lang naman ako eh, basta ikaw ang sumalo. EME.

Tumango lang ako bago niya tuluyang ibaba na namumula pa rin siguro hanggang ngayon.

Binaba ako agad. Sayang!

"Sa tingin ko, hindi na kayo aabot sa time limit dahil wala pa kayong nakukuha kahit isa." dinig kong sambit ni Ivy.

"Actually, meron na kaming dalawa. At isa nalang, tapos na kami." proud na proud na pagsisinungaling ko.

"Where?" taas kilay na sambit nya na sinisipat pa ang buong katawan ko.

Maganda pa 'to sa katawan mo!

"Let's go Mianna." saka ako hinigit ni Lyon patalikod sa kanila.

"May brain damage ka na talaga Mianna!" dinig ko pang saad ni Ivy sa likod ko.

'Di ko na sya pinansin at naglakad na kami ni Lyon papalayo sa kanila habang hawak ang stick.

Kahiya naman kasi!

Pakiramdam ko ay nakatingin pa rin siya sa akin kaya bumilis ako ng lakad hanggang sa may nakita akong isang palaka na nasa tabi ng putikan. Hindi naman ako takot sa palaka kaya hinabol ko ito.

"Pumunta ka dito munting palaka!" sambit ko.

Dahil lumubog na siya sa putikan, no choice kaya sumisid na ako rito para lang mahanap yung palaka.

A few minutes passed...

Pagod na ako sa kakahanap sa palaka. "I will give up!"

Lumingon ako kay Lyon at nagulat na lang ako na hawak na niya ang palaka na kanina ko pa hinahanap sa putikan. Ngumisi lang siya at sumenyas na papaalis na kami.

Kasura, bakit hindi niya sinabi na nasa kanya na pala kanina pa ang palaka! Nadumihan tuloy ang uniform ko!?

Naglakad-lakad pa kami nang may nakita naman kaming isang ahas na na nasa daan namin.

Malapit nang mag-time kaya nilapitan ko agad ito para hulihin.

"Mianna!" sigaw ni Lyon.

Pero bago ko pa ibaling ang tingin ko kay Lyon ay nakaramdam na agad ako ng kirot sa binti ko.

Ouch!

Kingina ang saket! Tuklawin din kaya kita!

Mabilis ang pangyayari. Nakalapit agad si Lyon sa'kin bago ibinato papalayo yung ahas. Nararamdaman ko ang pagkahilo. Hindi ako sigurado pero—

"MIANNA!"

****

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon