Chapter 16: Light's Off

4.2K 115 7
                                        

AIZEL

Namumutil na ang pawis sa aking noo. Patuloy pa rin sa pagtibok nang mabilis ang puso ko. Hindi ko siya pwedeng hayaan na lang. Kahit masakit pa ang paa ko. Kahit pakiramdam ko hindi ko na kayang tumakbo. Kahit pa hindi ko pa siya gano'n kakilala. Isa lang ang natakbo sa isip ko ngayon. Ang iligtas siya. Mailigtas kami.

Marami na kaming napagdaanang suliranin kahit papano. Hindi pwedeng ako lang ang laging ligtas. Hindi pwedeng siya na lang lagi ang mapapahamak. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong kunin ang atensyon nila. Para may pag-asa pang makalabas si Mianna.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko para harapin sila pero ang hindi ko inaasahan ay ang paglabas din ni Mianna sa kanyang tinataguan. Hindi pwede. Bakit? Bakit siya lumabas?

"Well, well, well...." sambit ni Nicole na may kasamang slow clap.

Sumenyas pa siya sa mga kasama niya bago kami hawakan ng kanyang mga kasamahan. Hindi na ako nagpumiglas pa dahil masasayang lang ang lakas ko kung gagawin ko 'yon.

Mabilis lumipas ang oras. Nandito na kami ngayon sa cafeteria. Nakatali sa isang poste. May kalayuan pamula sa labasan sa labas. Sa madilim na bahagi. May mga ilang estudyante pa akong nakikita. Bilang sa daliri. Kumakain sila ng tahimik. Ngunit bakit parang hindi nila kami napapansin?

Ano ba talagang kailangan nila sa'min? Ano bang mapapala nila sa amin? Hindi ko rin alam sa ngayon.

Tumingin ako kay Mianna. Mulat pa ang kanyang mata ngunit pawang patay na ang kanyang kaluluwa. Walang ekspresyon. Parang may malalim siyang iniisip sa ngayon. Hindi. Matamlay. Pagod na siya. Hindi ko siya makakausap kung ganya. Ano bang iniisip n'ya?

Ilang saglit nang mapunta ang atensyon ko sa cellphone ni Nicole na nag-ring ito. Sinagot niya ang tawag. Mukhang may katawagan—malamang.

"Hello?"

"Nasa'n ka na?"

"Saan?"

"Bilisan mo ha dahil may surprise ako sayo pagdating mo rito."

"Sige."

"Bye!"

Mabilis ding namatay 'yong tawag. Hindi ko alam sino kausap niya pero malakas ang kutob kong kaaway namin 'yon o may balak talaga sila sa aming masama.

'Di nagtagal, isang pamilyar na pigura ng tao ang pumasok sa loob. Ibang-iba ang kasuotan at mahirap kilalanin ang hitsura niya dahil sa makapal na pekeng bigote pero alam kong siya 'yon.

Maasahan ka talaga!

Pero pano niya nalamang nandito kami? May nagsabi ba sa kanya? Nakita niya ba kami kanina? Siya ba yung katawagan ni Nicole? May plano kaya siya? Hindi ko rin alam.

Bigla kong naalala na may light's off mamayang seven pm. Tumingin ako sa malaking orasan sa taas ng cafeteria at 6:58 pm na. Dalawang minuto na lang.

Umupo si Timothy sa isang table na may kalapitan sa amin. Kumuha ng libro ngunit diretso ang tingin sa amin. Gumagalaw ang bibig. May sinasabi siya ngunit walang lumalabas na tinig sa bibig niya.

Pinilit kong intindihin. Kahit mahirap. 'Ililigtas ko kayo' ang feeling kong sinabi niya.

Hindi rin biro ang higpit ng tali namin dito sa poste. Tiyak na mahihirapan siya.

Isang minuto pa. Mas lalong namutil ang pawis sa noo kahit tila nasa loob kami ng freezer sa loob ng cafeteria.

Tatlumpu. Sampung segundo. Lima. Tatlo. Tumayo. Lumapit. Dumilim. Isa. Dalawa...

Madilim na pero tuloy pa rin ang plano. Nararamdaman ko na lang ang unti-unting pagluwag ng tali sa mga kamay ko. Hindi na kami nagsayang pa ng oras dahil dalawang minuto lamang ang itatagal ng light's off.

At sa wakas ay kumalas na kami sa pagkakatali. Hinawakan ko si Mianna sa kamay ng mahigpit at mabilis na nakatakbo.

Walang kaalam alam si Mianna sa pangyayari pero sumasabay pa rin sya sa plano. Wala rin kaming maaninag dahil sa sobrang dilim. Ngunit hawak ni Timothy ang kamay ko. Hawak ko ang kay Mianna. Alam kong hindi niya kami pababayaan. Mabilis ang pagkilos. Lumiko hanggang sa nakabangga pa ako ng tao.

Sa mga ilang sandali pa nang biglang nabuhay yung ilaw dahilan para ikagulat naming lahat. Maging ang mga kababaihang nagtali sa'min.

"Ayun sila! Habuin n'yo sila! Tanga! Nandoon wala diyan!" sigaw ni Nicole habang kami ay tumatakbo papalabas.

Tumakbo kami hanggang makarating sa exit. Mabilis ang bawat kilos kahit pa 'dii inaasahang may sasalubong sa'min.

"At saan naman kayo pupunta?" saad niya bago siya tumingin sa akin. "Missed me?"

****

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon