Chapter 7: Showers

5.6K 161 1
                                        


MIANNA

May mga tanong sa isipan ko na hindi ko kayang sagutin sa ngayon. At worst, napakarami ng mga tanong!!! Bakit ganon?! Naiintriga ako! Hindi ako mapakali! Nakakainis!

Maaga akong nagising. Hindi ko rin alam kung bakit. Ginugulo nung death marathon na event yung utak ko. Miyerkules pa lang naman ngayon kaya may time pa kaming makapaghanda. Basta, nakakasiguro akong may hindi maganda akong nararamdaman.

Niyaya ako ni Aizel maligo sa shower room. Mas presko raw kasing maligo doon compared sa banyo namin na sobrang lamig. So heto na naman kami na naglalakad habang nagk-kwentuhan na naman sa isa't-isa para malibang.

Nakakatakot ang tingin sa amin ng bawat estudyanteng nakakasalubong namin. Ang iba ay nakatingin sa amin at ang iba naman ay pumasok na lang sa kanilang mga silid. Bakit sila natatakot?

Nagkibit-balikat na lang ako sa nangyari habang si Aizel naman ay nakanguso at akala mo'y pinagsakluban ng langit at lupa.

"Mianna," tawag nito sa akin na nakapagpabalik naman sa akin sa ulirat.

"O?"

"Nakikinig ka ba?"

"B-bakit? May sinasabi ka ba?"

"Nako Mianna, halos mamaos na ako rito ka e-emote tapos ikaw, lutang!"

"Sorry naman. Hindi ko naman alam nakanina ka pa pala nagsasalita diyan. Hehe."

Pagdating namin sa public bathroom, napanganga ako dahil hindi ako makapaniwala na ganito pala kalaki ang banyo dito. Mas malaki pa ito kaysa sa bahay namin. Mahirap lang kasi kami kaya maliit lang ang bahay namin. Hindi naman sobrang hirap. May kaya lang. Anyways, mayroon itong pool sa gitna.

Pumunta na kami ni Aizel sa locker namin upang kumuha ng susuotin. Nakakahiya kung maliligo kami ni Aizel sa pool ng kami lang kaya sa shower room kami naligo. Isinampay ko ang tuwalya sa taas ng pintuan nang makapasok. May brand pa nga. Kaso hindi sponsored kaya 'wag na sabihin. Emeged.

Habang naliligo, narinig ko na may taong pumasok ng shower room. Baka magsho-shower lang kaya hindi ko na ito pinansin. Expect the unexpected talaga dahil ilang saglit lang nang may humalbot ng towel ko sa pintuan.

"Hoy! Ano ba! Ang magna naman! Papansin si gago, pakyu!" sigaw ko.

Dali-dali kong binuksan ang pinto para tignan kung sino yung kumuha nung tuwalya ko.

"Hoy! Tumigil ka! Ibalik mo sa akin 'yang tuwalya ko!" sigaw ko sa kanya habang karipas ako sa pagtakbo upang makahabol.

Iyon lang kasi ang binigay sa akin ng mama ko bago siya mawala. Kaya hindi ako makapapayag na pati 'yon ay mawala so hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa ikatlong palapag, dorm ata niya. Agad naman niya akong sinaraduhan ng pinto.

Ang kapal!

"Hoy buksan mo 'to! Kingina ibalik mo sa akin 'yan!" sigaw ko habang kinakatok yung pintuan at kaunti na lang talaga, sisirain ko na 'to sa sobrang inis.

Sinipa ko yung pinto pero wala talaga. Aabutin pa ako rito ng pasko. Wala pa rin. Katok ako nang katok at inaasahang pagbuksan pero kahit anong gawing pagbukas ko rito, parang walang epek.

Nakaramdam din ako ng lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko pero 'di ko na pinansin 'yon.

Tinalikuran ang pintuan at sumandal doon. Kinapa-kapa ang sarili. Naramdamang basa pa pala ako at naka two piece lang! Owemji! Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang maraming estudyante na nakatingin sa sa 'kin. Ayy bold!?

OMG! Nasan na ba si Aizel!

Kailangan ko ng tulong niya ngayon. Parang mamamatay na ako sa sobrang hiya.

Hala! Hala! Hala! Anong gagawin kooooo!

Mga ilang segundo lang ang lumipas ng dumating si Lyon. Nakipagsiksikan siya sa mga taong nakatingin sa akin.

"Wear this." Iniabot niya sa akin ang kanyang jacket.

Mabilis kop itong isinuot. Masyado itong malaki para matakpan ang precious underwear ko. At aaminin ko, nakakahiya rin naman ang ginawa ko.

Pagkatapos ko itong isuot ay unti-unti akong nahilo at...

"Ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Lyon pero hindi magawang bumuka ng bunganga ko.

"Hey-HEY!" sigaw pa niya habang niyuyugyog ako pero parang umuurong yung dila ko.

Napatingin pa nga ako sa mga estudyante at napansin ko ang pigura ni Tiger! Oo si Tiger talaga yung nakita ko! Wala na kasing masyadong estudyante pero kitang kita ko! Nakatalikod siya at naglalakad na papalayo.

And everything went black...


AIZEL


Pagkatapos kong maligo, napansin ko agad na wala na si Mianna sa shower room.

"Mianna?"

"Mianna!"

"Mianna! Asuncion!"

"MIANNA ASUNCION!!!!" sigaw ko pa ulit to the highest level pero wala talaga.

Hinanap ko siya sa buong lugar ngunit wala akong nakita. Napag-desisyunan ko na sa dorm siya hanapin. Nagbabakasakaling nauna na siya. Ngunit nang makarating, wala pa rin kahit anino niya.

Umupo ako sa sofa at isinandal ang likod ng couch. Hinihintay na dumating si Mianna. Ngunit ilang minuto lang ang lumipas nang biglang bumukas nang marahas ang pinto at iniluwal nito ang isang may katangkarang lalaki. May logo pa ang badge na buhat buhat si Mianna sa kanyang balikat na parang isang sako ng carrots.

Lyon...

Napanganga lang ako. Mabilis ang pangyayari. Inihiga niya ito sa couch at saka mabilis na umalis. Nag-aalala ako kay Mianna dahil wala siyang malay nang ibinigay sa akin ni Lyon. Bakit siya nakasuot ng jacket? Eh wala naman siyang ganitong kalaking jacket?

Minabuti ko na na ikuha siya ng kumot sa aming kama. Saka ko lang din napansin na basa pa rin pala ang buhok niya.

Ano ba talaga ang nangyari? Naguguluhan ako! Ang daming tanong sa isipan ko na hindi ko masagot.

Pumunta ako ng kusina at magtimpla ng kape. Habang hinahalo ko ito ay natapon ang kaunti kaya gumamit na ako ng maliit na platito at doon ko ipinatong ang tasa. Kumuha ako ng basahan at ipinunas sa kapeng natapon.

Bigla kong naalala si- ganitong ganito yung eksena noong nandito pa siya sa dorm kasama ko- erase erase!

Inilagay ko sa lamesa ang tasa at kumuha ng tinapay sa ref na inilagay din sa lamesa. Umupo na ako at nagsimula nang lantakan ang tinapay na ako rin ang naghain. Nakatulala pagkatapos maubos ang tinapay at hinahalo ang kapeng hindi ko maubos.

Nang magsawa, itinapon ko ang natitirang kape sa lababo. Umuusok usok pa-yung alaala-bumabalik-erase erase!? Past is past Aizel. Stop na.

****

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon