Chapter 51: First Kiss

2.7K 109 14
                                    


Mianna's POV

Gumising na ako nang maaga at...

Oo nga pala, linggo nga pala ngayon. Hehe. No classes! Bukas pa nga pala...

Ala basta! Nakatayo na ako eh!ginawa ko nalang ang morning rituals ko pag walang pasok syempre.

Pagkatapos non ay nagising naman agad Aiz na umupo pa ng sofa.

"Gusto mong magtimpla ako ng coffee?"tanong ko.

Mahina naman syang tumango bago isandal sa sandalan ng sofa ang likod nya.

Antok ka pa pre!

Ako naman ay nagsimula ng magtimpla ng kape.

Napatigil naman ako sa paghahalo ng kape nang magising na din yung dalawa.

"Coffee? "alok ko sa kanila...

"Okay. Try ko..."sambit ni Timothy bago magsimulang mag-sipilyo.

"Gatas ang akin. Thank you.."utos naman ni Freed.

*yawn*

Puniiit!

Inaantok pa ba ako?

Sinampal ko ang sarili ko para magising...

*PAK*

Araaaay!

Masyado naman yatang malakas! Ang sakit tuloy!

Napahawak nalang ako sa pisngi ko sa sobrang sakit....

Feeling ko nga namumula na iyon ngayon.

Matapos ang ilan pang mga halo at...

Done!

Tapos na!

Inilapag ko na yung tatlong tasa ng kape at isang tasa ng gatas sa mini table namin.

At syempre, naupo na ako sa sofa...

Maya maya pa ng mag ring yung phone ko...

Eottoke! Naega...umjigil su uopge nal ooh ahh ooh ahh hage mandeureujo gajja gajja jinsim eumun gajja, jal ga jal ga ha! OOoh ha hage!(kpop song - like ooh ahh by twice...)

Tinapos ko muna yung kanta bago ko sinagot yung phone.

"Hello?"

[Uhmm... Hello Mianna.]

"O Lyon napatawag ka?"

[Gusto ko sanang mag usap tayo sa personal. Pwede ka ba?]

"Uhm... oo naman. Syempre, kailan ba?"

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon