Chapter 2: The Alien
Acle's POV
"Uy. Lesbi panget!"
Argh! Naiinis na talaga ako sa kanya! Ano nga bang pangalan nito? Ma... Mart? Mark? Haay! Whatever! Nabibwisit na 'ko sa kanya!
"Hoy lalaking alien! Hindi ako tibo! Tumahimik ka d'yan, dahil hindi ko kailangan ng pananaw mo!"
Hindi na talaga ako nakapagtimpi. Pa'no? First day of school, binabadtrip n'ya ako!
"Hoy, Lesbi! Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan! Isa pa, paano ka nakapasok dito huh?! Hindi ka bagay dito! Panget ka na nga, ang sungit mo pa!" sigaw n'ya pa.
Pinagtitinginan na ako ng mga classmates namin, kaya 'di na ako sumagot. Tumingin ako sa kanya sabay ngiti ng nakakaloko.
Tingnan ko lang kung hindi ka maasar sa kin! *grins*
"Hindi ka maganda kahit ngumiti ka pa."
Pero hindi ako umimik at nakinig nalang sa prof. I have no time to play games with him.
Ramdam ko ang pagkainis n'ya sa akin. That's because of my "reverse psychology" style of pang-iinis. Once na tumahimik ako at ipakitang wala akong pakialam sa mga nang-aasar sa akin, 'yung mismong nang-iinsulto ang naiinis kapag hindi ko sila pinapansin. Hahaha! Mamatay ka sa asar, mokong ka!
Ayaw talaga akong tantanan nitong alien na 'to at sumulat pa sa papel ng...
"WE'RE NOT YET DONE. GET READY TO DIE LESBI!"
A-ano raw? Hahahahaha! Sabi na eh! Gumana 'yung reverse psychology style ko! Para namang natakot ako sa kanya?! In his dreams!!! Hahaha!
Kahit binasa ko 'yun, 'di pa rin ako tumingin sa kanya. Walang pake pa rin ako. 'Di ako natatakot sa kanya 'no! Mokong na 'yan!
Natapos ang 3 hours straight na klase. Grabe. Nagutom ako! Kaya niyaya kong mag-lunch si pinsan.
"Angel! Let's eat, gutom na ako," tumango lang s'ya at pumunta na kami sa canteen.
Canteen...
Pagpasok ko sa pinto ng canteen, may biglang bumato sa akin ng plastic bottle. What the? B Hindi ko na sasabihin pa kung sino, alam na. B'wisit na lalaki 'to!
"Hahahahaha! Ang sama ng itsura! Hahaha!"
WTH?! Muli, tiningnan ko lang s'ya at nginitian sabay lakad at sabi ng...
"The trash can is here. :)" Itinuro ko 'yung pinakamalapit na basurahan. Tapos lumakad na ako para bumili.
"You don't have to tell me! May mata ako! Sinadya ko 'yun tanga! Hahaha!"
Aba at sumagot pa. Sige...
"So?" tinaasan ko s'ya ng kilay at lumakad na ako.
As expected, naasar ang walang hiya. Feeling ko dumoble 'yung inis na sa 'kin. Hahaha! 'Kala mo ha!
"Acle! Ang sungit mo run ha. Mukhang asar na si Marx hahaha!" sabi ni Angel habang kumakagat sa burger.
"Gumagana pa rin talaga 'yung coolest revenge ko pinsan! Haha!" tapos ngumiti ako.
Haay. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo sa kin nung mga tao rito? Lalo na 'yung alien na 'yun? Naku po. 'Wag silang magkakamaling saktan ako at lalaban talaga ako!
Marx's POV
"So?" at sumagot pa ang tomboy!? Grabe. Ang panget talaga ng nakakaasar na pagmumukha n'ya!
Wait. Let me rephrase that... Naasar ako sa mukha n'yang mukhang paa! Argh!
Kung makangiti, akala mo kung sino! Humanda ka sa 'king panget ka! Wala pang kumakalaban kay Marx Abraham Ramirez! You're so dead.
"Pare, bakit ganyan ang itsura mo? Para kang tameme dyan oh. Hahaha!" pang aasar ni Enrick.
"Shut up! Nag-iisip ako!" sigaw ko sa kanya.
"Looks like Marx have found a new play toy, huh..." sabi ni Matt ng nakangiti.
"You gave me an idea. Thanks." *evil grin*
Ha! Humanda ka sa 'kin ngayon, Lesbi!
"Hey hey hey! Anong binabalak mo, Marx? 'Wag pare! Patay ka sa tatay mo n'yan!" -Enrick
At bakit naman kaya ako pinipigilan ng mokong na 'to?
"Hoy Enrick! Bakit mo naman ako pinipigilan ha?" sabi ko habang nakataas ang kilay.
"Pare, babae pa rin 'yun. 'Wag mo nang patulan, 'di ba sabi mo you don't want to mess with girls?"
Pero I guess, not this time! I'm so d*mn annoyed!
"Enrick, I don't think she's a girl."
"Oo nga naman p're, look at her! She really looks like a lesbian! With her hair ponytailed, jeans, shirt, rubber shoes and... her skin! It's freakin dark! Parang nasunog sa araw!" panlalait ni Matt.
"In short, panget sya," dagdag ko pa.
"Pare, alam ko kasi kung paano ka magalit eh. Pero kung hindi kita maaawat d'yan, at least, 'wag mo naman s'yang igaya sa mga dati mong pinaglaruan," sagot ni Enrick.
Haay. Imba talaga 'to. Laging may kontra eh? Nakakainis! Mabait kasi 'yang si Enrick. Ang totoo n'yan, siya lang naman ang parang nanay namin ni Matt tuwing magagalit at manenermon s'ya.
Magkakaibigan na kami simula grade school kaya matibay naman ang samahan namin.
"Naknang tokwa naman, Enrick! Sinesermonan mo na naman ako eh! Basta. Wag ka nang mangialam! Ako na bahala sa UGLY LESBI na 'yun! She'll be d*mned," sigaw ko kay Enrick, kulit e. Santo kasi masyado amp!
Classroom...
"*boink!* Hahahahaha! That's my welcome gift for you my dear, LESBI!" nakakakatawa s'ya! 'Yung itsura n'ya parang galit na galit! Hahaha!
Well, sinakto ko lang namang papasok s'ya sa pinto tapos nilagyan ko ng malaking container ng mineral water yung taas ng pinto... kaya pagbukas n'ya, ayun! Sapul! Hahaha! Sana magkabukol!
Priceless! :))) Pero wala namang lamang tubig 'yun. Container lang. Kaya 'di sya mababagok! Pasalamat s'ya sa akin ha!
"Ahhm... Hehe."
Ito lang ang nasabi niya habang nakahawak sa noo niyang namumula. 'Yun lang? Really? 'Yun lang ang sinabi nya?!"
Hindi man lang s'ya nagalit or what?! Haaaay! Effort ko pa naman ding ilagay 'yon! Kaasar! Tapos tumingin s'ya sa akin...
"Duwag!" tapos binigyan niya ako ng ngiting nakakaloko. Pumunta s'ya sa upuan niya nnag parang walang nangyari. Te-teka?!
Nakipagpalit ng upuan dun sa babae? Argh! Sayang! 'Di ko na s'ya maaasar!
Bakit kaya lagi n'yang kasama 'tong Angelique na 'to?
Wag mo sabihing...
WTF?!
.
.
.
.
.
.
May relasyon sila ni Lesbi?
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomanceNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...