Chapter 7: He chose me
Enrick's POV
Naiinis ako sa mga babaeng katulad n'ya! Grabe. Hindi ko napigilan! Umusok bigla 'yung ilong ko nung nakita kong sasampalin n'ya si Althea. Agad kong hinarang ang kamay niya.
At saka, nakipagkaibigan ako sa kanya, at bilang kaibigan, hindi ko naman hahayaang maagrabyado si Althea 'no.
Hindi ko rin alam, pero my guts are telling me to befriend her. She's so simple and calm, I like her attitude. At higit sa lahat, hindi siya maarte o mayabang.
I just don't understand why she's acting like a guy. But I think, she had a reason. For whatever reason, I don't care. I want her to be my friend. She's cool and that's what I like about her.
Magaan na agad ang loob ko sa kanya nung una ko siyang nakita.
"Enrick, totoo ba 'yun? Friends na talaga tayo?" tanong niya sa akin.
"Yup. Why? Ayaw mo ba?"
"Ahh. Hehe... Akala ko kasi nagbibiro ka lang! You know what I mean... I thought you just pity me..." Nahihiya niyang sambit.
"I'm not joking. Do you think I'm doing all that just for a joke?" Tiningnan kon siya nang seryoso.
"Whoa! Kalma. Oo na. H'wag kang magalit... haha! Anyway, thank you ha... salamat."
"Wala 'yun. Ano ka ba, what are friends for?" I smiled back. Napansin ko namang lumapit ang classmate naming si Angel na madalas niyang kasama.
"Enrick, I'd like you to meet my best friend/ cousin/ heroine... Angel. Say hi, bespren."
"Hi. Nice to meet you! I just wanna say thanks for saving my best friend." Nakipag-shake hands siya sa akin habang nakangiti.
Magpinsan pala sila?! Oh... I see, kaya pala lagi silang magkasama.
"Yeah, that's nothin', nice to meet you too, Angel!"
Ngayon ko lang napagmasdan nang matagal ang mukha niya. She really looks like an angel.
"Hmmm... maiba tayo. Nakakahiya man, pero itatanong ko na rin 'to..." mukhang nagdadalawang isip siya sa itatanong niya.
"Everything will be fine as long as it's not Math," I chuckled.
"Hmmm... Nag-aapply kasi ako sa Journ Guild para maging member ng university paper, at ang assignment ko ay isang feature article tungkol kay... tungkol kay... Marx," nahihiya niya sambit.
"Ahh... Haha! I get it. Do you need information about him? That's easy. Pero 'yung basic lang ang kaya kong ibigay sa'yo. Mukhang mas maganda siguro kung si Marx mismo ang iinterviewhin mo to make your article better," sagot ko naman sa kanya.
Ang malas n'ya. Bakit si Marx pa ang na-assign sa kanya? Kilala ko pa naman din ang tropa kong 'yun. He's boiling inside every time he talks about how she annoyed him every single day.
"Thank you, Enrick! Maraming salamat! Malaking tulong na 'yun! About me interviewing him... I really don't he'll agree, so... bahala na!"
Napansin kong napakamot siya nang slight sa ulo niya dala ng frustration.
She's so unlucky.
--------------------
Marx's POV
Hindi ba nag-iisip itong si Enrick? Alam kong mabait siya, pero tama bang kaibiganin niya 'yung pangit na 'yun?
Haay nako, sesermonan ko siya mamaya!
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomanceNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...