Chapter 24: Let's Fall Together

766 24 1
                                    

Chapter 24: Let's Fall Together

Acle's POV

Sumapit ang gabi at naging abala ang lahat para sa bon fire party. Ito ang pinakahuling part ng tour. Nasa beach side kami ng buong klase. Kada block, may kanya-kanyang bonfire. Ayon sa facilitator, ito na raw ang time namin para mas magkakila-kilala kaming magkakaklase.

"Guys, you have to group yourselves into five, after that, plan for your group presentation. Do anything you want to perform! Sing, dance, act, kahit ano, basta masaya! I'll just give you 10 minutes to decide on what you're going to perform this night. That's all." 

As usual, kaming lima na naman ang magkakagroup. -Pinag-iinitan tuloy ako nung mga classmates kong babae. Kesyo ganto, ganyan! Haay. Kung alam niyo lang, sobrang napipilitan lang akong makasama itong minimithi nilang unggoy!

"So, ano bang gagawin natin for the performance?" -Angel.

"Kanta nalang. May gitara run, oh." -Matt.

"Ang sama niyo talaga sa akin! Alam niyo namang wala akong talent doon!" pagrereklamo ni Angel. 

"Maganda nga, wala namang talent. Walang kwenta. Tss." bulong ni Marx.

"Kaysa naman sa'yong puno nga ng talent, ang sama naman ng ugali! Pwe." 

At dito na nga nagsisimula ang bangayan ng dalawa. Inawat nalang sila ni Enrick para matapos na. 

"Ganito nalang, kami ni Marx ang maggigitara, tapos si Matt sa beat box, then Acle and Marx, duet nalang kayo." suhestiyon ni Enrick.

"Bakit ako, walang gagawin? Huhuhu!" nagtatakang tanong ni Angel. 

"Hahaha! Gusto mo, kumanta ka na rin bespren!" sabi ko.

"Heh! Nang-asar ka pa!" 

Hahaha! Ang hirap din talagang biruin ng isang 'to. 

"Umupo ka nalang dun sa gitna. At least, may pakinabang sa'yo kahit display lang." masungit na tugon ni Marx.

"Hahaha!" sabay kaming nagtawanan pero si Angel, nakasimangot na hahaha!

"Haaays. Sige na nga," pumayag na rin siya kahit masama sa loob.

"Ano bang kakantahin natin?" tanong ko kay Marx.

"Hmm... Gusto kita."

"Huh?!" sabay-sabay na tugon nila Angel/Matt/Enrick.

"Ho-hoy! Ayan ka na naman eh. Ano nga kasing kanta?! 'Di naman 'yan ang itinatanong ko!" 

Nakakaloka. 

"Haaaaay. Gusto kita nga! Ang bingi lang?"

"Heh! Kanta ang itinatanong ko! Hindi ko tinatanong kung gusto mo ako o ano!"I rolled my eyes.

"Bobo talaga! Sabi ko, "Gusto Kita" ang title ng kantang kakantahin!" sigaw ni Marx na mukhang naiinis na.

"Ahhhhhhhhhhh. Hahahahaha!" sabay-sabay ding nagtawanan sila Enrick/ Angel/Matt.

So, 'yun pala yun... jusme, akala ko mang-aasar na naman siya eh!

"Alam mo ba yung kantang 'yun?" si Marx.

"Hmm... Oo." sagot ko. 

"'Yung mabilis na beat ang gamitin natin para cool." -Matt.

"Okay. Practice na tayo, mabilisan lang," -Enrick.

At 'yun na nga po, ipinractice lang namin 'yung kanta sandali. Kung paano kami magduduet ni Marx, at yung beat ng gitara at beat box.

"Okay. Times up! Let the show begin!" -Host/facilitator. Nagpalakpakan ang lahat. 

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon