Chapter 13: To Happy Land
Acle's POV
Nandito na kami ni Monmon sa tapat ng department store. Pinagtataguan kasi namin 'yung mga body guards n'ya. Buhay mayaman nga naman! Akala mo naman may masisiyahang dumampot sa ma-attitude na 'to?
"Monmon, pwedeng pakibitawan na ang kamay ko?"
"As if I wanted to hold your hand! Kadiri ka. Hoy ibili mo nga ako ng hand sanitizer d'yan!"
"Ayoko nga! Ikaw nalang ang bumili! Ang arte mo! Parang ginusto ko namang hawakan 'yang kamay mo! Eew."
"You should've thanked me! Maraming nangangarap na mahawakan ang kamay ko, Lesbi."
"Ah ganun? So... dapat pa pala akong magpasalamat sa'yo n'yan? Eh, ikaw nga 'tong humawak sa kamay ko!"
"Ewan ko sa'yo--- takbo!!!" At ito na naman po kami, takbo mode na naman! Nakakapagod din ha.
This time, di n'ya na hawak ang kamay ko. 'Yung braso ko naman. Ang sakit nga eh. -_-
Nagtago kami sa loob ng isang dressing room sa department store.
"Kailangan na nating makaalis dito."
"Bakit ka ba may body guards, huh? Ang laki mo na kaya!"
"Kasalanan ko bang OA ang tatay ko? Argh! Kainis!" pinagpapawisan na rin siya sa mga pinaggagagawa namin.
"Exciting 'to! Haha! Tumakas tayo sa bodyguards mo!" suggestion ko.
At ang mokong! For the first time ay nag-agree sa suggestion ko!
"Akong bahala sa'yo, Monmon. D'yan ka lang, babalik ako."
Tapos ayun, kumuha ako ng kung anu-ano dun sa dept. store.
Pagbalik ko...
"Oh ano 'to?" nagtataka niyang tanong.
"Obvious ba? Edi jacket! Akala ko ba matalino ka Mr. Ramirez?"
"Oo nga. Pero bakit mo ako binigyan nito?"
"Haaay. Common sense! Edi suotin mo!"
"Inuutusan mo na ako ngayon huh? Tsk."
"Sumunod ka nalang kung gusto mong makaalis tayo rito."
Yeah, right. I'm your bossy gal!
"Oh ito pa..." iniabot ko ang shades.
"Ito rin? Do you really want me to look like an idiot, huh?! No! Hindi ko isusuot 'yan!"
"Alam mo 'yung "disguise", Mr. Ramirez? Siguro alam mo naman 'no? Kaya isuot mo na 'yan! Puro ka kaartehan! Tsk."
"K."
"Last na 'to oh."
"Argh! Mukha akong tanga d'yan! Wag naman yan!"
Pinipigilan ko lang ang sarili kong tumawa, pero medyo nakakainis na talaga sa dami ng kaartehan ang lalaking 'to!
"Sa tingin mo ba ay hindi ka makikilala kung nakashades ka lang? Bilisan mo na, isuot mo na 'to!"
Idinikit niya na sa mukha niya ang fake mustache. Susunod din pala, ang dami pang sinabi!
"May kulang pa."
"Ginagawa mo lang yata akong katatawanan eh?"
Lumapit ako sa kanya para sulatan ang mukha niya ng nunal.
"D*mn it."
"Hahahahahahahahaha!"
"Shut up or I'll kill you."
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomanceNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...