Chapter 41: Epic-logue

638 22 1
                                    

Chapter 41: Epiclogue

Acle's POV

May naririnig akong mga batang malaanghel ang boses.. I think that was a choir of angels? Ewan ko. Wait. Why am I hearing those kind of stuffs?

(Now Playing: Broken Angel by Boyce Avenue, A/N: I-play nyo para mafeel nyo yung scene. Thanks)

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Isang maliwanag na ilaw ang sumalubong sa pagbukas ng aking mga mata.

Nasaan ba ako?

Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga nang aking mapansin na nasa ibang lugar ako. Napansin ko rin ang hinigaan ko, puno ng bulaklak sa paligid at parang cotton sa lambot ang kamang iyon.

Bakit ako nakaputi? I thought I was wearing a red blouse before. Curly din ang buhok ko. Ano bang nangyari sa akin? Wala akong ibang matandaan.

"Ang ganda." nakangiti kong sabi. Pinagmasdan ko ang paligid.. para akong nasa isang paraiso. May mga puno, maraming bulaklak, at ang mga bato ay ginto.. may maliliit na ibon at paru-paro.. at sobrang maaliwalas at maliwanag sa lugar na ito.

Napahinto ako sandali at napaisip.. Singing angels.. paradise..

"Nasa langit na po ba ako?" tanong ko. Lumingon ako sa paligid ngunit walang ibang tao dito.. Kundi ako lang.

Sa di kalayua'y may nagbukas na isang malaking pintuang gawa sa ginto.. Kasabay nito ang pagpasok ng isang nakasisilaw na liwanag.

May lumabas na imahe mula sa pintong iyon at pinanood ko ito..

 

Habang naglalakad ako sa tabing kalsada.. isang gabi, galing sa bahay ni Marx. Tumawid ako sa kalsada at narinig ko ang boses ni Marx.. "Lesbi!" lumingon ako para tingnan si Marx at tinawag sya ng nakangiti.. "Marx!" tumakbo sya palapit sa akin "Umalis ka dyan!" sigaw nya, tinanong ko sya ng "Bakit---ahhhhhh!" napasigaw ako dahil sa isang rumaragasang kotse. Niyakap ako ni Marx para sagipin mula sa kotseng yun. Nayakap nya ako pero.. sa bilis ng pangyayari, parehas kaming nabangga ng kotse.. hanggang sa bumagsak kaming dalawa habang yakap nya pa rin ako.. ang huling imaheng nakita ko ay ang kanyang duguang mukha.

Sumarado ang gintong pintuan matapos ipalabas ang mga pangyayari bago ako napunta dito.

Tumulo ang luha ko matapos panoorin ang lahat ng nangyari bago ako napadpad sa paraisong ito. Naalala ko na. Iniligtas ako ni Marx. Nung gabing yun, dapat magsosorry ako sa kanya. Kaso..

Patay na ako.

Wala na akong oras pa para makausap sya.. magsorry, magpasalamat at iparamdam kung gaano ko sya kamahal.

Ang sakit pala. Kasi wala akong magawa kundi umiyak. Napalingon ako sa pinto dahil muling bumukas ito..

(Now Playing: Your Guardian Angel)

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon