Chapter 18: Stay with me

835 23 1
                                    

Chapter 18: Stay with me

Marx's POV

 Nandito kami ngayon ni tomboy sa office ko. Yes. You heard it right! May kasama akong PANGET sa office ko.

Mga ten seconds ko sya tinitigan.. baka sakaling gumaling sya sa pagtitig ko.

Pero peste! Ang init pa rin nya! Napansin kong basa pa rin yung suot nyang basahan.

Haay nako. Pano sya di magkakasakit eh.. maghapon syang naglinis tapos nagbabad sya sa araw at nagbasaan pa sila ni Enrick!

Tanga talaga tong tibong to. Tsk. Nagkandamalas malas tuloy ako.

Oo.. tama kayo! Alam ko lahat ang ginagawa nila.

*FLASHBACK

Pagkatapos kong makita si Lesbi sa cafeteria, pinaalam ko ang lahat kung bakit ganun ang itsura nya.

Kaya naman pala sya mukhang basahan eh! Tatanga tanga kasi. Tsk. Ang kuripot pa! Imbis na magbayad ng 5000, pinili nya pang maparusahan.

Haay. Nung nalaman ko yun, binayaran ko ng 5000 yung booth na nagparusa sa kanya.

Kaya ko sya pinapunta sa office ko para sabihing di nya na kailangang maglinis. Kaso nabwisit ako nung nakita ko silang magkasama ni Enrick.

Si Enrick? Ewan ko sa lokong yun kung bakit nya tinutulungan si lesbi. Tsk. Di pwede yun. Pag nagkataon, sagabal pa sya sa pagkapanalo ko. Tsk.

Naisip kong pagtripan muna sya. Kaya pinabalik balik ko sya sa canteen! Hahaha.

Kaso eto na nga. Minalas na talaga ako! Nilagnat pa sya ngayon! Argh.

*END OF FLASHBACK

"Tumayo ka dyan! Magbihis ka! Bilis!" sinigawan ko sya pero nanginginig pa rin sya sa init ngayon.

No choice. Kailangan kong mapalitan ang damit nya ngayon! Argh. Labag na labag to sa kalooban ko pero pag di ko ginawa to, lalo syang aapuyin ng lagnat. Tss.

Tinanggal ko ang polo ko at ang tshirt ko.

Ops! Wag malaswa ang utak ha? Ipapasuot ko lang to kay panget para di sya lamigin! Tss.

Nakatopless na ko ngayon. Napatingin naman ako sa salamin malapit sa harap ko.

Syet!

Ang hot ko talaga!

So ayun.. huhuba-- te-teka? Eto ang di ko kayang gawin! Argh! Sya? Huhubaran ko?

Ayoko!

(See Marx and Acle's pic on this side---->)

 (A/N: Hubaran mo na, pag yan namatay, kasalanan pa ng pride mo. Sige ka.)

Letse kang author ka! Di ka kasali dito!

(A/N: Tss. Gwapo ka sana eh. Kaso ang sungit mo! Dyan ka na nga!)

Yan. Tama. Lumayas ka sa kwento ko! Pakialamera ka eh! Tss.

Back to story..

Teka.. pano ko ba sya huhubaran? Ay letse. ang panget ng term! Eto nalang.. pano ko ba sya papalitan ng damit?

Tumingin ako sa paligid at..

Gotcha! Ang talino mo talaga Marx!

Kinuha ko yung kurtina tapos itinakip yun sa katawan nya. Saka ko sya binihisan.

Wooh! Success! Wala akong nakita huh! As if gugustuhin kong may makita! Never!

Syet. Ako naman ang giniginaw ngayon. Naman oh! Ang lamig!

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon