Chapter 30: Sweet Dreams
Acle's POV
Ito, totoo na talaga, may klase na. Tumawag na rin sa akin kahapon yung officer ng guild dahil ngayon ko na ipapasa ang article ko. Habang naglalakad ako papunta sa room, pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Bakit ganun sila? Hindi ko sila magets huh!
Nung panget ako, pinagtitinginan ako. Ngayong maganda na ako, aba'y di pa rin nila ako tinatantanan?! Haaay. Buhay.
"Plastic surgery?"
"Anu kayang ginawa nya sa mukha nya?"
"Paanong? Haaay."
"Operada."
Chismisan there, chismisan everywhere! Nakakaloka talaga sila!
"Best, insecure sila sayo kaya ganyan. Haha." -Angel.
"Kaasar. Di na sila nagbago. Haay."
"Mamatay sila sa inggit! Haha." -Angel.
"Hahaha. Tara na nga. Bago pa ako makapanuntok dito!" sabi ko.
.
.
.
Klase. Klase. Klase.
Lunch break na! Wohoy! Pumunta na ako sa office ng journ guild para ipasa ang feature story ko.
Office..
"Good afternoon, ipapasa ko lang sana yung article ko." sabi ko dun sa isang officer na nakaupo pero nakatalikod sa akin.
Humarap sya at..
"Good Afternoon Lesbi. :)" nakalimutan ko, president nga pala sya ng org na to. Tss.
"Marx, ito na yung article ko." ipinatong ko yung folder sa table nya.
"Okay." ang tipid sumagot ah? Kanina din himala eh.. di nya ako kinukulit.
"Sige. Alis na ko. Balitaan mo nalang ako kung pasado ako ha. Ge." naglakad na ako paalis.
"Wait. Stay here. I'll read this while you're here."
"Huh? Bakit naman? Pwede namang ikaw nalang ang magbasa ah?"
"Gusto ko, nandito ka."
"Paano kung ayoko?"
"Paano kung hindi kita ipasa?"
"Edi wag!" sabi ko ng matapang.
"Haha. Matigas ka talaga. Pero.. wala ka nang magagawa kase nakalock na yung pinto." sabi nya habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomanceNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...