Chapter 31: This is Step #1
Acle's POV
Grabe, nakatulog pala ako. Di ko namalayan. Buti nalang talaga at wala na kaming klase sa hapon.. kundi nalintikan pa ata. Nasa office pa rin ako ng journ guild. Wait? Nasaan si Monmon? Eh?!
Bakit nandito yung polo nya? Wag mo sabihing.. waaaaaaah! Wag naman sana!
"Ow. Gising ka na pala." napalingon ako nung biglang pumasok si Marx ng nakatshirt. So ikinumot nya lang sa kin yung polo nya para di ako malamigan. Haaay. Akala ko pa naman nakatopless sya. -.- Haaay! Anu ka ba namang utak ka? Bakit lumalandi ka na naman?!
"Hinde. Tulog pa ako Marx. Kaya nga ako nakamulat e." pambabara ko.
"Oo nalang. Tss. Umalis ka na nga dito sa office!" aw. biglang nagbago sya ng mood.
"Sungit. Tsk."
"Pangit. Tsk." -sya.
"Sorry naman huh. Ang gwap-- never mind!"
"Oo na. Gwapo na ako. Alis!" pinagtatabuyan na naman nya ako. Haay.
"Eto na nga po oh, aalis na. Tss."
"Teka.." tawag nya.
"Ano?"
"Wala ka bang balak ibalik ang polo ko?" sabi nya.
"A-ano. E-eto na, nakalimutan ko lang." sabay hagis ko sa kanya nung polo.
"Gusto mo, sayo nalang?" nagsmirk pa.
"Wala naman akong gagawin dyan! Aalis na ko."
"Baka gusto mong itabi sa pagtulog mo?"
Anu daw?! Ang epal talaga!
"Ayoko! Baka itapon ko lang yan sa basurahan o kaya gawin kong basahan sa bahay!" sigaw ko. Kaloka sya.
"Sows. If I know, baka halik-halikan mo pa yan sa pagtulog mo. Hahaha!"
"Ang kapal!!!!!" sigaw ko, habang sya tumatawa pa rin.
"Gwapo ako eh. *kindat*"
Anung kinalaman ng makapal na mukha sa kagwapuhan nya?! Tss. Di ko sya kinakaya huh! Kagigising ko lang, nabwisit na nya agad ako.
"Aalis na ko. -.-" naiinis lang naman ako sa mga kalokohan nya.
-----
Angel's POV
Nasa school pa rin ako ngayon. Napagpasyahan kong dito nalang magsulat ng article ko since half day lang kami. Si Acle naman, di ko mahanap kung nasaan, baka umuwi na yun, nakalimutan lang magsabi.
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomanceNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...