Chapter 23: Time to Start (Sem-ender Tour Part two)

844 22 1
                                    

Chapter 23: Time to Start (Sem-ender Tour Part two)

Acle's POV

Pagkatapos naming pumunta sa bahay ni Dr. Jose Rizal, bumalik na kami sa resort na tinutuluyan namin. 7pm na rin nung makarating kami sa resort.

Nasa room na kami ni Angel..

"Couz! Si grandma, puntahan na natin!" si Angel na excited. Haha.

"Ok. Kain muna tayo tapos punta na tayo kela grandma, excited na ko!"

Hindi namin napuntahan si grandma kanina nung nagmeryenda kami sa Los Bańos, kasi nga pumunta pa kami sa bahay ni Rizal. Nagsabi na kami dun sa head facilitator na pupuntahan namin si grandma.

Grandma's house..

"Hello grandma!!" sabay kami ni Angel sa pagsigaw at pagyakap kay lola nung nakita namin syang nakaupo sa favorite nyang upuan. Haha.

"A-apo?" halos di maipinta ang mukha nya nung nakita nya kami.

"Yes grandma! Surprise!" kami ni Angel.

"Namiss ko kayo mga apo! Napadalaw kayo dito sa Laguna?" si grandma na nakangiti pa rin.

Pinaliwanag namin kung bakit kami nasa Laguna. Hehe.

"Mga apo, ipagluluto ko kayo ng paborito nyong mechado."

"Waaaah! Grandma! Sige po! Namiss ko po yun!" sabi ko ng tuwang tuwa.

"Waaaaah! Grandma! Masarap yun!" si Angel.

Pinagluto kami ni grandma ng mechado. At ang sarap sarap talaga! I want more! haha. :9 Pagkatapos naming kumain, nagkwentuhan lang kami sandali tapos umuwi na rin.

Bago umuwi..

"Grandma, pwede po bang magbaon kami ng mechado?" sabay kami ni Angel.

"Hay nako kayo talagang mga bata kayo.. napaghandaan ko na yan no, oh eto na." sabay abot ng tupperware na may lamang mechado.

"The best ka talaga grandma! Babalik kami dito pag may free time kami huh." sabi ni Angel.

"Okay mga apo, ingat kayo ha. Nga pala, pagbalik nyo dito, isama nyo na yung mga lalaking sinasabi nyo."

"Grandma talaga, haha. Bye po, see yah! We love you grandma." tapos kiniss namin sya sa cheeks at bumalik na sa resort.

Resort..

Umuna na sa room si Angel.

"Acle/Lesbi?" si Marx at Enrick.

"Oh.. bakit?"

"Wala naman. Haha. Bakit nasa labas ka pa? Gabi na ah?" -Enrick.

"Ahhm ano.. may pinuntahan lang ako. Hehe."

"Ang sabihin mo, naghanap sya ng bagong mabibiktima." si Marx.

"Anung sinasabi mo dyan? Baliw!"

"Aswang!"

Seriously?!

"Heh! Bwisit ka!"

"Hahahahahahaha!" tumatawa na naman. tss.

"Ahhm. Enrick, lika, kain tayo.. masarap to, tikman mo yung luto ni grandma." sabi ko habang tinuturo yung tupperware na hawak ko.

"Ahh.. ganun ba? Osige! Patikim ako nyan! Mukhang masarap nga!" -Enrick.

"Lesbi anu yan?" si Marx.

"Heh! Di kita kinakausap! Kain na oh Enrick."

Nasa may canteen kasi kami ng resort ngayon, bumili kami ng rice. Kasama pa rin namin si Marx. Haha. Mainggit nga!

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon