Chapter 14: His Other Side
Marx's POV
Kanina pa ako nandidiri sa kasama ko ngayon... 'di ko nga alam kung ilang beses ko na s'yang nasabihan ng... "Nakakadiri ka!" ngayong araw na ito eh.
"Welcome to Happy Land!" sabi ni tomboy ng nakangiti. Haays. Bakit ba ngumiti sa kin 'to? Nakakabwisit ang ngiti n'ya ha!
"Happy Land??? Make sure this is not going to be boring, or else... I'll make you pay for wasting my time."
"Baka nga mas boring pa ang buhay mo kaysa sa lugar na 'to eh!"
Ughh, she's really unbelievable!
"Psst! Tikman mo 'to oh," iniabot niya sa akin ang isang--- What the heck is this thing?
"Ano 'yan? Why would I eat that? Mamaya, malason pa ako dyan eh. Ayaw!"
"Tingnan mo, oh. Kinakain ko na nga, bakit 'di ako namamatay? Haay nako! Akala ko pa naman matalino talaga ang mga matsing, tsk... tsk..."
Here we go again.
"I'm even smart enough not to eat anything you offer me."
"Nah... titikman lang naman eh! Kung ayaw mo, edi wag mo! Ang arte mo talagang unggoy ka," ipinakita n'ya pa talaga sa akin ng harapan ang pagkain n'ya, habang mukha siyang ewan.
Nagpapainggit pa 'to. As if maiinggit ako! Tss.
"Ano bang tawag d'yan sa kinakain mo?" tanong ko.
"Hahahaha! I know you're going to be curious! Masarap!!! Hmmm... cotton candy! Hmmmh..."
I've read about this before, I just don't know how it looks. Okay, so this is the thing called "cotton candy", such a childish name.
Lumapit ako sa isang stall at nagtanong...
"Magkano 'yan?" Tanong ko sa tindero.
"Sir, 5 pesos lang po ang isa."
Ang cheap naman. -___-
"Ah, sige. Pabili akong isa," ita-try ko lang, gusto ko lang patunayang hindi masarap ang mga trip ni Lesbi. Bakit ba sarap na sarap s'ya rito?
"Hahahahahaha! Naiinggit sa kin si Monmon! Uyy! Hahahaha!"
'Yung tawa niya parang 10 years na kaming magkaibigan. So annoying.
"Heh! Patutunayan ko lang namang hindi masarap itong CHEAP na pagkaing ipinagmamalaki mo!"
"Cheap pala, huh? Hahaha! May pambayad ka ba? Five pesos lang 'yan Monmon! Baka wala ka na namang barya?! Ililibre nalang kita!" si Lesbi yan, tawa nang tawa. Tss.
"Sir, eto na po..." sabay abot sa akin nung cotton candy.
Kumurot ako ng kapiraso at..
Hmm...
Masarap nam-- ayy hinde! This tastes--
"Oh, ano, Ramirez? Sharap noh? Haha!"
"Hi-hindi ah!"
"Anong hindi? Eh mauubos mo na nga 'yan eh! Hahaha! Palusot.com.ph"
"Ewan ko sa'yo! Tss. Manong. Magkano ba lahat yan?" Tanong ko sa tindero.
"Sir, limang piso lang po 'yung nakuha n'yo."
I hate repeating myself to anyone. I meant, "lahat" eh, mahirap bang ma-gets 'yun?
"I mean, lahat 'yang paninda mo, magkano?"
"Ahhm. Ano po, 300 po, Sir."
"Here you go," iniabot ko 'yung P1000 sa tindero.
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomanceNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...