Chapter 9: Her voice

1.1K 26 2
                                    

Chapter 9: Her voice

Acle's POV

Pagkatapos kong magdrama, sa wakas ay pumayag din ang unggoy! Tama nga si Enrick, kilalang-kilala niya itong kaibigan niyang may saltik.

"Best! You're back!" tuwang-tuwang sambit ni Angel.

"Nice one, Althea! Haha!" -Matt.

"Success! Hahaha!" -Enrick.

Buti nalang at naniwala ako sa suggestion ni Enrick, kung hindi, malamang ay hindi ko na talaga maisusulat ang article ko. 

"So, pinlano niyo pala 'to? Humanda kayo sa 'kin! Mga kumag talaga kayo!" gigil na sabi ni Marx kay Matt at Enrick. 

"MARX! TAMA NA MUNA 'YAN. SIMULAN NA NATIN ANG RECORDING PARA MATAPOS NA 'TO!" umandar na naman ang kasungitan ng pinsan ko kaya hindi ko na siya napigilan sa pagsigaw. 

"Tsk, whatever. Let's get this done quickly. Ayoko namang makakita ng pangit buong araw."

That's it. Ako na naman! Kailan ba ako masasanay sa b'wisit na lalaking 'to? Grr!

Pinapasok nila ako sa booth, pakikinggan daw muna nila ang boses ko. Gusto raw malaman ng isang mokong kung talaga bang may talent ako sa pagkanta. Tss. 

Nagsalpak na ako ng headphones at ini-on ang mga buttons na kailangan. Nasa loob ako, tapos silang apat, makikinig sa labas.

Alam ko ang kantang 'to. Theme song kasi 'to ng parents ko kaya kabisado ko.

Now Playing: Ikaw ang aking mahal by VST & Company

"This song is for Mr. Marx "Monmon" Ramirez... listen carefully monkey monster," sabi ko habang tumutugtog ang intro. Gusto ko siyang b'wisitin. 

Pagkarinig niya n'un, umamba siyang susugurin ako sa loob ng booth pero pinigilan sila nina Matt na tatawa-tawa din. Hahaha!

Itanong mo sa akin, kung sinong aking mahal

Itanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal

Ikaw lang ang aking mahal

Ang pag-ibig mo'y aking kailangan


Habang kumakanta ako, sinadya ko talagang titigan siya para mas lalong uminit ang ulo niya haha!


Pag-ibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman

Isa lang ang damdamin

Ikaw ang aking mahal


Hindi naman ako ganito eh. Hindi ganito ang ugali ko. Hindi ako pumapatol sa mga nanlalait sa akin...


Maniwala ka sana, sa akin ay walang iba

Ikaw lang ang aking mahal

Ang pag-ibig mo'y aking kailangan

Pag-ibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman


Pero dahil sumosobra na siya at talaga namang kapatol-patol ang ugali niya, natuto akong lumaban. Hindi ako pinalaki ng magulang ko para lang kayan-kayanan niya ha. 


Isa lang ang damdamin,

Ikaw ang aking mahal

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon