Chapter 50: It's Him
Acle's POV
"Ganito ang gawin mo, nagpakamatay yung babae pero naisugod sya sa ospital. Nabalitaan nung lalake na nagpakamatay yung babae kaya dumalaw sya at nagsorry. Pinatawad nung babae ang lalaki at binigyan sya ng second chance.. and they lived happily ever after." -Aileen.
"WHAAAT?! Anong kawalang hiyaang ending yan?! Ang panget kaya besh!" sigaw ko kay Aileen. Grabe naman kasi e. Ang sagwa ng ending!
"Grabe naman makawalang-hiya ito, OA lang teh? Nagsusuggest lang naman ako! Wag ka nga. Tss."
"Haaaaay. Mabuti pang ako nalang ang mag-isip. Masyadong cliche yung ending mo. Pwe!" inaasar ko sya. Haha.
"Ewan ko sayo. Basta ang happy ending na ibig sabihin ni Mr. CEO ay.. ANG MAGING KAYO SA HULI!" sabi nya nang kinikilig.
"Stop saying bad words besh! Alam mong that's impossible dahil pareho na kaming may lablayp at isa pa.. I will not allow that to happen! Tss."
"Miracles do happen, Miracle." ngumisi sya ng nakakaloko. Haay. Sarap hagisan ng bomba e! Kung di ko lang bespren to, naku talaga! Psh.
"Fairy tales never happen, besh. Yan ang tandaan mo." sabi ko.
"Mas malakas ang pananalig ko kesa sa paniniwala mo besh! Emo ka kasi! Bitter pa! Huhu! Cry cry!" badtrip! sarap bigwasan ni Aileen, alam nyo yun?
"Di nga ako bitter! Tse. Dyan ka na nga. Tatawagan ko lang si Brethel, sya ang ililibre ko ng lunch. Bleeeh!" pang-aasar ko.
"Wuy. Sorry naaa.. Sama na ako sa inyo ni Brethel, Pleeeeeease?" Ugh, nagpuppy eyes sya. Sarap dukutin ng mata!
"Bahala ka dyan, kay Brethel nalang ako magtatanong, matino kausap yun eh. Sige. Byeee!" sabay takbo. Mwahaha!
------
Sa Starbucks..
"Hi chum!" bati nya sa akin pagpasok ng resto. Siya nga pala si Brethel, ang bespren #3 ko. Bestfriend namin sya ni Aileen simula nung 4th year college ako.
"I miss you chuuuuum!" sabay yakap sa kanya. Nakakamiss kasi e. Nag abroad to nung gumraduate kami kaya ngayon ko lang ulit sya nakita.
"Teka, nasaan nga pala si Aileen? Miss ko na din yung babaitang yun e!" sabi nya.
"Ahh.. ano kasi e---"
"Hi Brethel babesss!" -Aileen
"Ay anak ng tokwa!" nashock ako. Ngumiti si Aileen sa akin.
"Sumunod ka palang baliw ka?!" sabi ko.
"Hah! Kala mo ba! Invited din ako dito. Reunion to e!" sabi nya ng tatawa tawa.
"Hmm. Okay. Basta wag kang manggugulo pag nagtanong ako kay chum ha!" sabi ko.
"Brutal mo sa 'kin besh. Huhuhu."
"Arte mo. Pwe." umorder na kami at nagsimulang maggerahan gamit ang mga armalite naming bibig. Chos. Ang dami kasi naming kwento, baina, makakauwi pa ba kami sa bahay neto?
"So. SI MARX RAMIREZ PALA ANG GWAPONG-GWAPONG CEO NG PUBLISHING COMPANY. WOW. AS IN.. WOW! I'M HAPPY FOR YOU CHUM!!!!" bulalas ni Brethel.
What the Fudge di ba?! Nakalimutan kong MarxAcle fanatic din pala ang isang to. Haay. Wrong move. -.-
Napaface palm nalang ako. Nakakagaga, nagsanib pwersa sila ni Aileen sa fans club ng Marxacle! Waaah! Unti-unti nang nabubuo ang pederasyon!
"Hah. Oo nga e. Nga pala, ipapakilala ko sayo ang boypren ko. Si Liam." ngumiti ako. Kala nya huh.
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomanceNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...