Chapter 6: I Need You
Acle's POV
Umuwi na ako sa bahay pagkatapos nung nakakadiring scene namin ng Monster Monkey! Argh. Lalo lang ako na-stress sa mga pinaggagawa niya!
Pagdating sa bahay...
"Miss Acle, bakit po ganyan ang itsura n'yo?" Tanong ni Yaya Meggy.
"Ahh ano... Wala 'to. May iniisip lang ako. Sige, akyat na ako ate."
Pagdating ko sa second floor ng bahay, sinalubong ako ni Angel at ng mataray niyang kilay.
"Acle, what happened to you?"
"Nah. I was just so stressed this day. It's about the monster beat assignment given to me and the monkey himself."
"Kawawa ka naman 'couz! Tingin ka sa salamin... ngayon lang kita nakitang ganyan kastress! Grabe." -Angel na nag-aalala.
"Don't mind me. Itutulog ko nalang muna 'to bago pa sumabog ang utak ko. Haaaay..." Humiga na ako sa kama at nagpahinga.
"Bakit ba ang malas ko?" napabulong nalang ako sabay pikit.
Marx's POV
Kitang-kita ko ang expression ng mukha ni Lesbi panget! Hahaha! Napaka-assuming n'ya!
Ang sakit pa rin ng tiyan ko sa katatawa dahil sa kanya! Hahahaha!
"Marx, bakit ka nakangiti d'yan? Nababaliw ka na ba?" Tanong ni Matt.
"Wala. Hahaha!" Para na nga siguro akong baliw sa katatawa. Well, take note: G'WAPONG BALIW.
Pero I don't care! That ugly lesbian made my day! Hahaha.
"P're, sino ba 'yan at parang in love na in love ka, ha?" Ang kulit talaga ni Matthew!
"G*go! 'Di ako in love! Masaya lang ako kasi may nakakatawang nangyari kanina!" sabi ko. Sapakin ko 'to e. Ako in love? Kailan? The heck!
"Oh ano na naman 'yan? I-share mo naman!" Pangungulit pa rin ni Matt.
Ikinuwento ko na nga 'yung nangyari sa 'min ni panget kanina.
"Wahahahahahahaha! Grabe! Sayang 'di ko nakita! Hahahaha! Ang lupet mo, pards!"
Tuwang-tuwa naman ang loko pagkatapos kong i-kwento.
"Oh, ano? Ikaw na ngayon ang mukhang tanga d'yan!" Sabi ko habang tawang-tawa pa rin si Matt.
"Marx, 'di kasi ako makapaniwala na... na... hahahahaha!" ano raw? Parang tanga talaga 'tong si Matthew.
"Ano?! Umayos ka nga! Para kang tanga d'yan!" Sigaw ko sa kanya. Nakakainis din 'to e.
"Eh kasi... haha-- ehem. Ano. 'Di ako makapaniwalang maaatim mo palang lumapit ng ganoon kalapit sa babaeng 'yon! Hahaha!"
So, ayun pala? 'Kala ko kung ano.
"Eh, anong nakakatawa dun? Para kang sira."
"Eh, kasi 'di ba... Ang isang Marx Abraham Ramirez na maarte pa sa lahat ng maarte ay lalapit ng ganoon kalapit sa mukha ng isang... isang tomboyin and not so good looking girl?! Wahahaha! That's a MIRACLE!"
Oo nga 'no? Paano ko nga ba nagawa 'yun?
Una sa lahat, AYOKO SA PANGIT.
Pangalawa, AYOKO SA TOMBOY.
Pangatlo, PANGET NA TOMBOY 'YUN! BAKIT KO NILAPITAN?
D*mn.
"A-ano... Ginawa ko lang 'yun para asarin s'ya! You know, I hate ugly girls! Especially that Ugly Lesbi!!!" Pag-eexplain ko kay Matt.
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomanceNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...