Chapter 49: Change?

765 24 1
                                    

Chapter 49: Change?

Acle's POV

Hinatid na ako ni *ehem* boyfriend sa bahay. Haay. Di pa rin ako sanay, so Liam nalang. Naabutan ko pa rin si Aileen sa table kung saan ko sya iniwan kanina. Tong babaeng to talaga.

"Magandang Gabi, binibini!" sigaw ni Liam na ikinagulat naman ni Aileen.

"Ayy. Anak ng gwapo.. Owww."

"Crush mo na ako?" -Liam.

"Asa ka, Baltazar." sagot ni Aileen. Haha. Baltazar ang tawag nya kay Liam, loka loka talaga.

"What happened to you? Bakit nakatulog ka na dyan sa harap ng laptop?" I asked.

"Hmm.. tinapos ko kasing basahin yung mini novel mong madrama. Mygaaaash! Ang ganda ng story, thea!" sabi nya ng nakangiti.

"Lakas mong mambola a? Baka gutom lang yan." sabi ko.

"Tss. I'm not joking! Kaso hindi ko peg yung ending mo e. Saklap. Iedit natin!"

"Loka loka ka!" binatukan ko nga.

"Ay. Grabe oh! Binabatukan ako sa harap ng gwapo! Pagsabihan mo nga to Liam, walang manners eh!"

"Hahaha! Babe, ikaw nang bahala kay Aileen. Do what your heart says. Bye. Gotta go!" nakangiti nyang sabi sabay labas ng pinto.

"Lanju ka Baltazar! Edi kayo na ang mag-babe! Witwiw!" pang-aasar ni Aileen.

"Hoy babae, anung sinasabi mong panget ang ending ko ha? ha?"

"Di ko talaga peg Thea e. Palitan natin pleeeeease?"

"Heh! Okay na yan. Ipapasa ko na kaya yun. Wala na akong time baguhin yun. Tsaka yun naman talaga ang ending e."

"Sows. 'Fairy tales never happen' pala huh.. Kung hindi nga, I'll make sure that Miracles do happen." she stated.

"Himala mo mukha mo. Syempre may himala. Kaya nga buhay pa ako ngayon di ba?"

"Yannn.. that's my point! It only means that it's not impossible for you and Marx to be back together again." yung itsura nya, parang nangangarap. Batukan ko nga.

"Wag ka ngang magmura Aileen! Grabe naman to. May boyfriend akong tao tapos ganyan ka. Tsk. Tsk."

"Boyfriend?! You mean.. kayo na ni Liam?" nanlaki ang mata nya.

"Yup? There's no harm in trying no."

"Wooosh. Team MarxAcle pa rin ako. Go! Go! Gooooo!" baliw talaga.

"Langya ka talaga. Bahala ka nga dyan. Ikain mo nalang yan. Pwe!" I said.

"Ayy bongga. Hindi ako papayag sa team LiaCle no! Mas bagay kaya kami ni Baltazar, isipin mo, thea.. pag naging kami, Team AiLiam kami. Parang tunog 'alien' lang! hahaha!"

"Hmmp! Baliw!"

"Hahaha. Isinusumpa ko, Thea bessssh. Mali yang ending mo.. Team MarxAcle ako POREBER!" yung totoo, best friend ko ba talaga tong baliw na to? Haay.

"Bahala ka. Tutulog na lang ako. Sakit mo sa bangs. Uwi ka na nga." I said.

"Ayoko ngang umuwi. Makikitulog ako dito sa condo mo no." she said.

"Okay. Matulog ka na din baliw."

------

This is it. Ipapasa ko na sa main editor ng publishing house ang Mr. Lady Fell in Love. Haaay. Sana matanggap. *cross fingers*

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon