Chapter 25: Firsts

932 24 1
                                    

Chapter 25: Firsts

Matthew's POV

Katatapos lang namin magperform sa bonfire party, as usual, nagtilian na naman ang mga babae dahil sa amin. Ang ganda ng boses nilang dalawa. Sa tingin ko, dumidiskarte na si Marx at ginagamit nya na ang pamatay nyang charms kay Acle. Natatawa nga ako eh, kasi ang buong akala ni Marx ay isang lesbian si Acle.

Oo, astig si Acle, lalaki lumakad at umasta, may pagkasiga minsan, pero alam kong babae sya. I mean, she really is a girl. I don't know why she's acting as if she's a lesbian.

For some reason, I find her so so so interesting. Why? Simply because, she's a unique type of girl who won't easily be captivated by drop dead gorgeous humans like us.

Mukhang nakahanap ng katapat si Marx. Kahit gaano sya kagwapo ay parang wala lang kay Acle. She really is so tough. Kaya siguro sya napagkakamalang tomboy. I decided to make it up to Marx.. kaya hinamon ko sya sa isang challenge.

Parang kalokohan lang yung deal namin, right? Pero seryoso yun, seryosong gusto kong mapainlove ni Marx si Acle, at alam kong kasabay nun ang unti-unting pagkakagusto din ni Marx kay Acle. In short, gusto kong walang matalo o manalo sa aming dalawa ni Marx.

As his friend, I just wanted to make him happy. Happy in a way, but difficult for some reason.

Kasalukuyan akong nakaupo sa buhanginan para magpahangin. At para na rin makakita ng mga chikababes. Bwahaha!

"Tristan?" napalingon ako sa likuran ko matapos kong marinig ang boses ng isang babae.

"Yup? Why Ms. pretty?" nginitian ko sya. Grabe. Ang ganda! Chix to mga pre!

"Remember me?" sabi nya ng nakangiti. Patay. Sa dami ng babae ko.. hindi ko na natatandaan ang pangalan nya. Tsk.

"I think I remember you and your name is near the definition of beautiful.. right?" tapos nginitian ko sya.

"Haha! Di ka pa rin nagbabago Tristan!" sabi nya.

"Gwapo pa rin ako no? Di na mababago yun. Do you agree my princess? *kindat"

"Hmm. Nagbago ka pala. Tss."

"Huh? What'd you mean?"

"Mas lalo kang gumwapo." ngumiti sya tapos biglang tumakbo paalis. Ang weird.

Pero teka.. yung number nya! Di ko nakuha! Argh! I tried to run para maabutan ko sya pero di pa ako nakakatayo, nawala na sya sa paningin ko. Tsk. Sayang. Ang ganda pa rin naman nun! Di ko man lang naitanong ang pangalan nya.

Bago sya sa paningin ko, ang ganda nya.. Feeling ko, matagal nya na akong kilala base sa pag-uusap namin kanina.

Haay. Sino kaya sya? Bigla akong nacurious. May parang kung ano ang humahatak sa akin para kilalanin sya.

Bumalik na ako sa pwesto ko at may nakita akong.. anu to? Siguro sa kanya to. Hmm. Pag sinuswerte ka nga naman Matt!

"Janica Shane Yap." now, I know your name. Haha! I'll find you my princess! Napangiti ako matapos kong basahin yung pangalan nya mula sa naiwan nyang I think.. bag tag? Basta yun na yun.

----

Acle's POV

Tapos na ang bon fire party, at bukas, tapos na ang tour at sem break na rin namin.

"Haaaay.." napabuntong hininga ako habang nakaupo sa beach side. Mag-isa lang ako ngayon, gusto kong mag-isip. Hindi dapat nangyayari sa kin to.

"Haaaaaay... talaga.."

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon