Chapter 22: Sem-ender Trip

912 24 3
                                    

Chapter 22: Sem-ender Trip

Acle's POV

Excited na ako sa tour. Sana maging masaya. Last three days nalang kasi namin this sem.

Bawat section, isang tourist bus ang nakalaan. Madaling araw palang, aalis na kami. Marami daw kasing pupuntahan.

Sumakay na kami ni pinsan sa tourist bus at saktong 3:00am ay umandar na ito. Hindi pa man nakakalayo, halos 5 meters palang ang naiuusad ng bus ng biglang..

"Tigil muna!" may isang lalaki sa labas ang sumigaw. Kinausap nung lalaki yung driver ng bus namin. Tapos may ibinulong yung driver sa tourist guide namin. May iniabot na papel yung driver.

Biglang nagsalita yung guide..

"Ms. Angel Mendoza and Ms. Acle Mendoza?"

"Yes po?" sabay kaming sumagot.

"Pinapababa po kayo. Emergency lang." -tourist guide.

"Emergency?" nagkatinginan kami ni Angel.

"Ah. Ano pong emergency yun?"

"Di po sinabi e. Ang bilin lang po sa kin eh.. pababain kayo dito sa bus.. pati na rin yung mga gamit nyo, maam."

"Si-sige po.. salamat."

Bakit naman kaya? Anong emergency naman kaya yun? Tss.

Bumababa na kami ni couz bitbit ang mga bag namin.

May tumigil naman sa harapan namin na isang VIP mini bus.

"Anong tinutunga-tunganga nyo dyan? Sakay na!" Medyo madilim pa pero di ako nagkakamali, si Marx yun.

"Huh? Bakit kami sasakay dyan? May emergency daw e.. aalamin namin yun." sabi ko.

"Haay nako. Wag na ngang maraming tanong! Pag sinabi kong sakay, sakay!!!!" nakupo. Galit na. Kaya sumunod nalang kami kahit takang taka kami.

Pagpasok sa mini bus..

"Marx, anu bang trip mo? May emergency kaming pupuntahan e." sabi ko.

Pero sila Enrick at Matt tumawa lang. Anong kalokohan to?

"HahaHahahahaha! Walang emergency, gusto lang kayo pasakayin ni Marx dito." -Matt.

"Huh?" -ako.

"What?" -Angel.

"Yup, since may dalawa pang upuan dito, pinasabay na namin kayo. Besides, ok lang naman sa inyo di ba?" -Matt.

"Ahh.. O-o?" sabay kaming sumagot ni couz. Haha.

"Great. Then sit." si Enrick.

Uupo na sana ako sa tabi ni Matt kaso..

"Ops. Sorry, may gamit akong katabi. Hehe. ^_^v"

No choice. -_- Si Enrick, katabi si Angel, si Marx na lang ang walang katabi. Huhu.

"Can I-- sit there?" sabi ko kay Marx.

"Sure." tapos nagsalpak na sya ng earphones sa tenga nya.

Magtatagal daw ng 3hours ang byahe. Ang una naming destination ay sa Cavite. Habang nasa byahe, nanonood lang kami ng movies, si Matt, kanina pa may katawagan sa phone. Kaming tatlo lang nila Angel ang nag eenjoy sa panonood, samantalang yung kalapit ko, ang sarap ng tulog. Nakakainggit. :3

*hikab* inaantok na rin ako.. haaay..

Marx's POV

Ang ganda ng tulog--

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon