Chapter 45: Heart's Day?
Acle's POV
"Yes!" napasigaw ako matapos makakuha ng mataas na score sa midterm exam namin sa PolGov.
"Makasigaw naman 'to. Anu bang meron?" -Angel.
"Ahm. Hehehe. bespren! Naka-1.25 ako sa exam!" masaya kong sabi.
"Haay. Buti ka pa. Inspired much? Haha. 1.75 lang ako e. Pero keri na rin." sabi naman nya.
"Hah! Infairness naman sa prof nating nakakastress, fair naman pala sya magbigay ng grade. Kung roleta to, naku, isusumpa ko sya! Hahaha."
"Buti nalang talaga. Anyway, bespren! Saan kayo ng prince monkey mo bukas?" she asked.
Anu bang meron?
"Huh?"
"Feb. 14. Heart's day best. Are you serious? Di mo alam na bukas na yun?" -Angel.
"Ahh. 14 na pala bukas no? Wala naman kaming pupuntahan ni prince monkey. Wala syang nababanggit e." I said.
"Baka nakalimutan nya din? Oh no. Baka may surprise na naman sya?" sabi ni Angel with twinkling eyes.
"Wala naman siguro. What's so exciting about Feb. 14 ba? Parang normal day lang naman din yun para sa akin e. Haha."
"Hindi na dapat normal day para sayo yun, best. Dapat maghanda ka ng regalo para kay Marx!"
"Kelangan pa ba yun? Wag na. Kaya na naman nyang bilhin ang lahat e. Hirap kaya regaluhan nun! Haha." sabi ko.
"It's the count that thoughts." -Angel.
"Haaay. Mali." nasstress ako dito sa bespren ko eh!
"Tama naman yung quote ko ah?" nagtataka nyang tanong.
"Angel, it's the thought that counts, hindi it's the count that thoughts! Hahaha!" juskupo, nakakaloka tong pinsan ko.
"Whatever it is. So, anu ngang gagawin mo?"
"Huh? Eh ano nga ba?"
"Isipin mo. Ako kasi, may gift na para kay Foreverlove ko e. Hihihi."
"Seriously? Foreverlove ang tawagan nyo? Hahahaha!" tanong ko.
"Yup. Isn't it cute?" sabi nya ng nakangiti.
"Ikaw lang ang cute. Hindi yung tawagan nyo. Grabe, ganyan pala kayo kakorni ano? Hahaha!" -ako.
"Heh! Don't mind us! Mind my own business!" naiinis nyang sabi. Ang arte din talaga nito e. Hahaha.
"Angel, anu ba talaga? Sabi mo, don't mind us.. tapos bigla ka namang nag 'Mind my own business!' hahaha! Nakakaloka ka talaga!"
"Este mind YOUR own business pala!" sabi nya. Epic nya talaga sa mga quotes. Kalerki.
Dumating na nga si Monmon my prince monkey. Haha. Ang gwapo nya talaga. Kainis!
"Have you eaten your breakfast?" -Marx.
"Yup."
"Tara, ako kasi hindi pa eh." sabi nya. Hinatak nya ako palabas ng room at kinaladkad papunta sa cafeteria. Sweet no? Nakakakilig! -.-
"Aray ko naman! Makahatak to!"
"Want something?" tanong nya habang chill na chill sa pag-upo.
"Sundae nalang. ^_^"
"Bili ka."
"Aaaargh! Kala ko naman ililibre mo ako!" kainis.
"Upo ka na nga. Ako na oorder." sabi nya. Aba at may attitude na naman sya ngayon? Fine, Acle.. kelan ba naman nawalan ng attitude si Marx?
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomanceNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...