Chapter 33: Sweeter than Bitter
Acle's POV
Niyakap nya ako. Niyakap nya ako ng mahigpit. Pagkatapos ng nangyari kanina, gustong gusto ko nang maniwala sa kanya. Mukhang..
Di ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.
Kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano sya nag-alala sa akin, kung gaano kabilis ang tibok ng puso nya dahil sa kaba at kung paano nya pinahiran ang luha ko nung mga oras na takot na takot na ako.
Buti nandun sya.
Ang sarap sa pakiramdam ng yakap nya. For a minute, narelieve ako. Nawala ang takot ko.. and this time, bumilis ang tibok ng puso ko di dahil sa takot at kaba kundi dahil sa KANYA.
Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse nya dahil nag-insist sya na ihahatid nya ako. Walang asaran, barahan, at kulitan. Tahimik lang kami at halos di makatingin sa isa't-isa.
Ang awkward.
"Le-lesbi, okay ka na ba?" tanong nya sa akin. Sa wakas nabasag din ang katahimikan.
"O-okay na naman ako unggoy." sagot ko.
"Hanggang ngayon, unggoy pa rin ang tawag mo sa kin?" naiirita yung tono ng boses nya.
"Hanggang ngayon, Lesbi pa rin ang tawag mo sa akin?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya.
"Tss." -sya.
"Tss." -ako.
Normal na ang mag-away sa aming dalawa. Ayos nu? -.-
"Althea, papalitan ko nalang yung cheap na bulaklak na itinapon ko kanina." sabi nya habang nakatingin sa labas.
Althea daw? Sya lang ang tumawag sa akin sa pangalang yan.
"Abraham, wag na. Gagastos ka pa."
"Pft-hahahaha! Marx nalang itawag mo sa akin!" baliw. Tumatawa bigla. -.-
"Haaay. Ang arte naman. Oo na Marx. Oh ayan."
"Good. Haha. Feeling ko kasi santo ako sa pangalang yun e. Kaya mas gusto ko ang Marx."
"Sabagay. Di ka naman mukhang banal. Marx na nga lang. Hahaha!"
"Heh!" binatukan ako. Ang brutal. huhu. May tinawagan sya eh. Di ko nalang pinakinggan, naglagay ako ng earphones sa tenga ko since medyo matagal pa ang byahe. Mga 30min. pa kase traffic. Haays.
Pagdating sa bahay..
"Salamat Marx."
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
Roman d'amourNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...