Chapter 5: New friend

1.2K 36 0
                                    

Chapter 5: New friend

Acle's POV

Habang naglalakad ako sa corridor, may nakabunggo sa akin. I mean, ako ata yung nakabunggo?

"Naku... Sorry po! Pasensya na tala--" patuloy lang ako sa pagsasalita habang pinupulot 'yung mga nahulog n'yang gamit.

"It's okay. No prob!" Tapos ngumiti s'ya. Teka..

Kaklase ko 'to ah?

"'Di ba, classmates tayo?" Tanong ko dun sa lalaking nakabunggo ko.

"Yup. I'm Enrick." 

Ang... ang... ANG GWAPO!

Ano ba 'tong sinasabi ko? 'Di naman ako mahilig sa lalaki 'di ba? 

Haay... Para s'yang model... Wait, stop it Acle!

"'Yun, ikaw nga! Si Enrick, 'yung laging kasama nung unggoy!" Napalakas yata ang pagsasalita ko, kaya nag-sssh sign siya. 

"Haha! Si Marx ba kamo? Oo! Ako nga 'yung kaibigan n'ya. Pero don't worry, matino naman ako compared sa kanya. Haha!"

Syet. Tumawa pa. Ang gwapo lalo. Jusq!

"Hehe. I see." Naiilang kong sagot. 

"What's your name nga?" 

"A-ako? Ahhm... Ano... Acle." 

Ayy letse, kinakabahan ako. Para akong shunga.

"Nice to meet you Acle!" inihaya niya sa akin ang kamay niya para makipag-shake hands

"Mabuti ka pa, mabait. Hindi katulad ni unggoy, walang ibang ginawa kundi b'wisitin ako. Haaay." Bahagya naman siyang napatawa sa sinabi ko. 

Naiisip ko na naman 'yung article. Ugh, bakit kasi?!

"Haha! I know! Hayaan mo nalang s'ya. Ganoon talaga 'yun si Marx. Alam mo kasi, ano... hmm... Ano-- mainit ang dugo n'ya sa mga..."

Bakit di nya maituloy ang sasabihin n'ya?

"Sa mga panget?" Seryoso kong tanong. 

"Hmm... Hindi naman sa panlala--" pinutol ko na ang sasabihin n'ya.

"No. It's okay. Naiintindihan ko, alam kong ganito ang itsura ko. Pero it doesn't mean I'm a lesbian. And if ever I am one, so what?" Nginitian ko siya. 

"Alam ko." Ngumiti siya at saka tinapik ang kanang balikat ko. 

A-ano daw? Alam n'yang hindi ako tomboy? Paano? Ang tingin kasi ng mga kaklase kong baliw, lesbian daw ako. The heck 'di ba?!

"Ta-talaga?" 

"Oo naman." He slightly smiled. 

"Salamat ha..."

"I don't judge someone so easily. Let's be friends if you want."

Nagsimula na pala siyang maglakad habang ako, nakatulala na pala sa kawalan. Nakakahiya!

"Let's be friends if you want."

"Let's be friends if you want."

"Let's be friends if you want."

Hano daaaaaaaw? Ano 'yun? 'Yung gwapong 'yun, nakikipagkaibigan sa akin? Woah, I can't believe this. 

"Sure. Who wouldn't want a friend?!" sigaw ko habang papalayo s'ya. Mukha namang narinig n'ya. 

Masaya akong bumalik sa room. Sino ba namang hindi mapapangiti kung nakipagkaibigan sa'yo ang isang katulad ni Enrick?

Pagpasok sa room...

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon